Chapter 09 "Hamon" Part 2

270 21 3
                                    


Sa mga sandaling iyon habang nagsasalita si Alexis ay biglang may sumabat na babae at pinagtawanan ang mga nasabi nito saakin.

"Hahaha nakakatuwa, kung ganun Alexis ang sinasabi mo bang handa kang tumulong sa kanya kahit sa gitna ng pagtutol ni Xiuan sa pananatili niya?"

"Napakakomplikado ng gusto mong mangyari Alexis," sambit nito.

Ang short red haired girl na iyon ay si Cana Diane Redleaf na nagmula sa bansang Canada. Napakamistisa nito at eleganteng tignan na parang isang artista sa ibang bansa.

Muli nyang binanggit na hindi makakabuti kay Alexis na kampihan ang isang katulad ko kung gusto nyang makakuha ng suporta mula sa mga miyembro ng Elite lalo na sa maimpluwensyangchino na si Xiuan.

"Ginagawa ko ito para maging maayos ang lahat sa Elite at hindi para mamulitika," sagot nito.

Hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila tungkol sa pagkuha ng suporta ng kapwa Elite pero nakikita ko na nagkakaroon ng tensyon sa pagitan ni Alexis at ng babaeng si Cana.

Kapwa na walang paki-alam sila sa pananatili ko sa Elite pero hindi maitatangi na isang kamalian ang pagpapasok saakin na malinaw na nagkaroon ng sabwatan at pagmamalabis sa kapangyarihan.

"Kung papanig ka sa kanya ay malinaw na sumasang-ayon ka sa pagkakamaling ito pero kung sa bagay ikaw ang anak ng supreme commander kaya natural lang na sumang-ayon ka sa bagay na iyon," pagtataray nito.

Lahat ng Elite ay kandidato na maging supreme commander pero malaking bagay ang mga alyansa ng bawat isa saamin sa magiging boto ng mga opisyal ng Guardian at ng Council.

Dahil sa pagiging anak ng supreme commander ay malakas ang bulong-bulungan ang pagpalit ni Alexis sa posisyon ng kanyang ama pero mangyayari lang iyon kung mananatili na papanig ang mas nakararami sa kanilang pamilya.

Dahil sa mga sinabi ni Cana kay Alexis ay biglang nag-iba ang atmospera ng lugar na sinabayan pa nang pananahimik ng mga kasama ko na tila ba pakiramdam ko ay magkakaroon ng isa pang gulo.

Pero gayunpaman ay hindi nagbigay ng hindi magandang sagot si Alexis sa tila pangiinsulto sa kanya bilang anak ng supreme commander.

"Hindi ko iniisip ang bagay na yan Cana at masyado pang maaga upang sabihin na hinihingi ko ang suporta nyong lahat gayung hindi pa natin alam ang kakayahan ng bawat isa sa pagiging pinuno," sambit nito.

Sa gitna ng paglilinaw ni Alexis ay muling sumabat si Cana at lantaran na sinabi na hindi gusto ng lahat ang kasalukuyang pamamalakad ng supreme commander at hinimok na kung gusto ng binata na makuha ang loob ng Elite ay mas mabuting gawin ang mga tamang desisyon na naaayon sa batas at maging makatwiran.

"Lilinawin ko lang sayo Cana na maging saakin ay inilihim ang dahilan kung bakit siya narito pero gayunpaman naniniwala akong may dahilan ang mga bagay na iyon."

Sa pagkakataon na iyon ay biglang sumabat ang magandang babaeng katabi ni Cana. Mahinahon nyang pinatitigil ang walang kabuluhang usapan nila gamit ang malumanay na boses.

"Hindi nakatutulong sa lahat ang inyong sinasabi lalo na para sainyong dalawa na nagmula sa iisang alyansa," sambit nito.

Ang may brown curly hair na babaeng iyon ay si Brigette Dominford, 15 yrs old at nagmula sa Britania. Isa syang dugong bughaw at pamangkin ng isa sa mga Wings na si Kiza.

Si Brigette ay isang bulag na tao kaya palagi itong may suot na itim na salamin pero kahit na may kapansanan ay naging mahusay at katangi-tangi ito na dahilan upang mapabilang sa Elite. Mapapansin naman agad dito ang pagiging elegante niya sa kilos at pananalita bilang maharlika kaya hindi mahirap sa kanya na mapahinahon ang pagtatalo-talo ng mga kasama namin.
Agad na nagpaliwanag si Cana na wala syang intensyon na sirain ang relasyon niya sa alyansa at pinagmalaki na lahat ng sinabi niya ay pawang katotohanan na dapat malaman ni Alexis.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now