Chapter 31 part 2

138 9 8
                                    


Chapter 31 part 2

Soumin POV.

Hindi maganda ang sitwasyon namin sa nagaganap na pagsusulit na ito, lumalaban kami sa isang nilalang na ni hindi man lang nasusugatan sa bawat atake na gawin namin.

Kakaiba iyon lalo na sa katulad ko na gumagamit ng mataas na kalibre ng baril. Pambihira at masasabi kong hindi kapanipaniwala Lalo pa ilang beses ko ng nagawa ng matamaan ang ulo ng isang maganda ng babae.

Hindi ko gusto ang ginagawa ko lalo na alam ko napaka delikado nito. Kung iisipin kaya ng blue bullet ko ang tumagos sa bakal at kaya nitong pasabugin ang bungo ng isang tao kaya naman kahit minsan hindi ko pa nakakalabit ang gatilyo ko habang nakatutok ito sa ulo ng totoong tao maliban sa mga target board.

Gayumpaman, kahit na may tiwala ako sa lakas ng sandata ko ay bale wala ito kay Philia. Masyadong matibay ang proteksyon nya at hindi ko alam kong kaya ko bang wasakin iyon.

Kasalukuyan syang umaatake saakin, mukhang nairita sya sa ginawa kong pagtira sa mga pakpak nya pero ibig sabihin lang nun ay may epekto sa kanya ang mga ginagawa ko.

Sa totoo lang hindi bago saakin ang tumira ng mga bagay na lumilipad sa ere dahil halos araw araw kong sinasama ito sa training ko pero iba ang sitwasyon ko ngayon.

Para syang malaking ibon na kasing liksi ng chita kung gumalaw sa ere.

Patuloy na sumasablay ang mga bala ko sa kanya na para bang nahuhulaan nya kung saan ko ito patatamain.

Kailangan kong makagawa ng paraan para pigilan sya dahil kung magagawa nyang makalapit saakin ay katapusan ko na.

Wala na akong pagpipilian kundi gamitin ang alas ko kaya naman inilagay ko ang dilaw na Bala sa baril ko at ikinasa ito.

Ang yellow bullet ay isa sa limang Bala ko na may mga espesyal na katangian. Itong mga bala na ito mismo ang aking spirit weapon na ginagamit sa laban at ito rin ang dahilan kong bakit ako tinawag na hot shot ng korea.

" OK, lock on." Sambit ko habang kinakalabit ang gatilyo.

Sa pag kakataon na iyon ay nagliwanag ang dulo ng baril na gamit ko at lumitaw ang isang magic circle.

Ang yellow bullet ay isa sa mga Bala na ginagamitan ng magic spell kung saan kaya nitong makapag palabas ng napakaraming bala habang lumilipad ito sa ere.

Tama, dumarami ito na na halos bumilang ng isang daang bala sa oras na iputok ko na ang baril ko.

Para akong tumira ng isang daang ulit gamit lang ang isang beses na pagkalabit ng gatilyo ko.

" Ano?"

Nabigla ang dalaga sa ginawa ko at huminto sa pag lusob at tinangkang salagin ang mga parting na bala gamit ang pagpapaikot ng mabilis gamit ang sibat nya ngunit sa dami nun ay alam ko tatamaan sya nito.

Kagaya ng inaasahan ko nasalag nito ang ibang naunag bala ngunit hindi rin ito naka tagal at napatalsik ang katawan dahil sa pag inda sa ilang mga bala na tumama sa kanya.

Nagawa ko syang matamaan pero sa bigla nyang pagtayo at paglipad ay alam ko na kulang ang ginawa ko para matalo sya.

Protektado sya ng enerhiya at sa tingin ko kahit nagawa ko syang tamaan gamit ang yellow bullet ay hindi nito parin magiging susi ko para matalo sya.

" Ginulat mo ako sa ginawa mo, pero mukhang humihina ang mga bala mo."

Nakangiti nya akong tinitignan habang tila pinauunawa saakin na wala syang naramdamang pinsala sa ginawa ko. Alam ko naman yun dahil hindi kagaya ng blue bullet ang lakas ng pagtama ng yellow bullet .

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now