Chapter 21 " Hindi na muli" Part 1

84 6 0
                                    


Chapter 21 Part 2



" Hindi na muli  "


Sa Kasalukuyan, Humaharap ang buong Elite sa isang pagsusulit at dahil unang beses ito na haharap kami nang magkaka-kampi sa isang survival training ay kailangan naming protektahan ang bawat isa.

Matagal ko nang nabasa ang impormasyon nilang lahat at marami na rin sa kanila ang nakasama ko noon kaya nga madali na saakin ang makita ang mga halaga nila at ano ang maitutulong nila sa pagsusulit na ito.

Ang problema ko lang ay hindi lahat sila ay makakatulong sa aktibidad na ito lalo na ang tatlong babaeng iyon.

Ang batang babaeng si Talifa na gumagamit ng manika, Ayon sa impormasyon ay hindi sya mahusay sa pisikal na aktibidad lalo na kung hindi nya gagamitin ang mga manika nya kaya ang ibigsabihin nito ay kung wala ang mga manika nya ay wala syang pakinabang sa grupo.

Hindi talaga sya makakagulo kung tutuusin dahil kaya syang bitbitin ng hapon na kapartner nya upang tumakbo ngunit ayon sa nalalaman ko ay sampung minuto nya lang maaaring magamit ang isang manika nya at sa isang boung araw na labanan ay parang napaka walang silbi nito.

Pambihira man ang kakayahan nya ay tiyak na mahihirapan ang buong team para bantayan sya kapag umabot na ang limitasyon ng spirit item nya.

Isa pang problema ay ang babaeng si Briggete, marami ang nagsasabi na isa sya sa pinakamalakas na sundalo ng britannia sa makabagong panahon at dahil minsan ko na syang nakalaban ay nakita ko na at naranasan kung gaano sya katindi.

Gayumpaman hindi magiging epektibo ang kakayahan nya sa isang pagsusulit na kagaya nito dahil nililimitahan nito ang paggalaw nya lalo na ang pag kilos ng mga kasamahan nya maliban pa sa kondisyon nya sa paningin.

Walang duda na malakas sya at may potensyal ngunit hindi sya makakatulong sa grupo. Hindi ko naman dapat syang problemahin dahil alam kong tutulungan sya ng partner nya pero iyon ang mas nakakabahala lalo pa isang snipper ang koreanong si Soumin.

Base sa nakita ko ay kinakailangan ni Soumin na dumistansya ng malayo sa kalavan at makakuha ng sapat na oras upang makipaglaban kaya wala rin syang magiging pakinabang kung magiging taga buhat lang sya ng babaeng ito.

At syempre ang isa sa pinaka nagpapataas ng dugo ko tungkol sa nangyayari ay ang nakikita kong magiging pinaka pabigat sa grupo. Ang ligaw na pusang probinsyana na hanggang ngayon ay wala parin inuunlad na ikakapanatag ng isip ko.

Masyadong mapanganib ang lugar na ito para sa kanya lalo pa napakanipis ng barrier na inilalagay nya sa katawan nya. Malaki ang naitulong ng charm na ibinigay ni Steve pero wala rin yun kwenta kung sunod sunod na atake ang matatanggap nito.

Ewan ko ba kung ano ang tumatakbo sa isip ni Steve para gawin yun dahil hindi naman sya ganun dati base sa pagkakakilala ko sa kanya. Maabilidad sya at iniisip ang mga bawat kilos nya kaya ko nga sya tinanggap bilang partner.

Dahil nga sa mga pag kakalkula ko at pag iisip ng tamang pag hahanda para sa grupo ay sinabi ko sa kanila ang mga saloobin ko na dapat nilang sang ayunan.

Nasanay akong mag utos na lang at mag mando ng tao pero para naman ito sa ikaaayos ng grupo kaya sa tingin ko wala itong kaso. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan namin lalo na nung sumingit sa usapan namin sila Soumin at Akihiko upang ipagtanggol ang mga partner nila.

Hindi sa hindi mahalaga ang opinyon nila tungkol sa pagdedesisyon pero halata naman na pinapagana lang nila ang emosyon nila at puso para bale walain ang plano kong paalisin sa grupo ang tatlo.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now