CHAPTER 16 "Isang Celestial" Part 2

125 10 1
                                    

CHAPTER 16 Part 2

PHILIA'S POV. 


Lumipas ang ilang minuto ay nagtipon tipon na ang lahat ng Elite sa loob ng isang silid kasama upang hintayin ang mga guro namin.

Lahat kami ay nakasout ng battle suit bilang paghahanda sa exam na magaganap at habang nakapila ay hindi ko maiwasan na isipin ang naging pag uusap namin sa locker room.

Hindi ko alam kong maganda ba o masama ang mga nabangit saamin ni Pearl tungkol sa tunay nyang katauhan.

---Pagbabalik tanaw ---

" A-a-ano bang sinasabi mo dyan Pearl na isa kang Celestial ? "

" Hindi ko alam kong nasa posisyon akong sabihin sayo ang totoo pero dapat malaman mo na ang kasama mo ngayon ay isang ring Celestial."

" Hindi ko alam ang boung detalye dahil sa higit isang daang taon akong natulog pero hindi ako naniniwala na nais wasakin ng Celestial ang mundong ito dahil unang una ay tahanan namin ang mga lupain dito."

Ipinaliwanag saakin ni Pearl na Kahit wala syang alam sa naganap dahil sa pagkakatulog nya ng mahabang panahon ay nakakasiguro sya na hindi kailan man gugustuhin ng isang Celestial na maglaho ang mundo na tinitirahan nila ng higit apat na bilyong taon.

Inamin nya na nagulat din sya sa mga nalaman nya saakin na kalaban ng mundo ang mga Celestial pero gayumpaman ay maraming nagpapatunay nito sa paligid nya.

" Hindi ko sinasabi ito para takutin kayo pero kung totoo nga na may Celestial na gustong wasakin ang mundo ay nanganganib ang lahi ng mga tao." Dagdag ni Pearl.

" Anong ibig mong sabihin? Gaano ba kalalakas ang mga Celestial? "

" Gaano kalakas? Teka gaano nga ba? ah.. eh.. Ang hirap sagutin yan."

"Ewan ko kung masasagot ko ang tanong mo dahil ang totoo wala naman kaming ganap na pamantayan sa tinataglay naming kapangyarihan gayong pinagbabawal saaming magkakapatid ang makipag laban noon pa man."

Ipinaliwanag nya saamin na ang mga lupain sa mundo ay pagmamay ari ng mga Pangunahing ispirito na tinatawag ngayon na Celestial at may kanya kanya silang mga lupain dito na pagmamay ari at sa pagtulog nila nang ilang libong taon ay patuloy na nagbabago ang lahat.

Sa bawat pag gising nila ay marami na ang nagbago at kahit patuloy nila itong inaayos ay hindi nila maiwasan na hindi matulog upang magpahinga kaya hanggang nasanay na lang silang hayaan ang pagbabago ng mga lupain sa paglipas ng panahon.

"Kung ganun maging ikaw ay may lupain na pagmamay ari? "

Hindi nya tinanggi na mayroon syang lugar na pagmamay ari at tinukoy nya ito na kasalukuyan na isa na ngayong bansang tirahan ng mga tao.

" Kung totoo nga ang mga sinasabi mo tungkol sa mga lupain na pagmamay ari ng mga Celestial sa mundo ay hindi kaya gusto nila itong bawiin kaya sila naghahasik ng kaguluhan. "

" Bawiin? Napakababaw na dahilan iyon."

" Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng mga kapatid ko pero kung ang pag bawi sa mga lupain na pagmamay ari nila ang pinaka punto ng kaguluhan ng mundo ay kaya nila iyon gawin sa loob lang ng isang araw."

Nagulat ako sa nalaman ko at dahil sa pagdududa ko sa pagka exaggerated na pag kukwento ni pearl ay muli nyang inulit saamin na walang paliwanag ang pwedeng makapag larawan sa tinataglay na kakayahan ng celestial.

" Taglay namin ang kapangyarihan ng kalikasan at kaya namin bumuo ng bagay mula sa kawalan."

" Ang totoo nyan ay hindi man derektang nilikha ng Celestial mula sa kamay nila ay kapangyarihan nila ang may dahilan kung bakit mayroong mga Spirit item na taglay ng mga tao, hmm.. dapat nga nahulaan nyo na ito dahil nag mula ito sa kalikasan na parte ng kapangyarihan ng tulad ko."

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now