Chapter 26 "Philia vs Elite" Part 2

103 6 6
                                    


CHAPTER 26 Part 2


" Philia VS Elite "


Habang nagaganap naman ang laban, Sa itaas ng talon na ilang metro lang mula sa battlefield ay magkasamang nanunuod si Thalia at Maya at pinag uusapan ang mga habang na pwede nilang gawin.

Gustuhin man kasi ng dalawa na bumaba ngunit maging sila ay nalilito at naguguluhan sa nagaganap na pag atake ni Philia na parang hindi nakakakilala ang mga kasama sa Elite. Hindi rin sila makapaniwala sa nakikita nilang bagong anyo ni Philia lalo na sa tinataglay nitong nakakakilabot na awra na ngayon lang din nila naramdaman.

Kilala nila ito bilang mahina at mahinhin na dalaga kaya hindi nila masabi kung si Philia pa rin ba ang nakikita nilang lumalaban sa ibaba.

" Anong gagawin natin ? " Tanong ni Maya kay Thalia habang naka upo ito sa batuhan.

" Hindi ko alam, Sinunod lang naman natin ang sinabi ni Pearl at sa totoo lang paano naman natin pipigilan ang pagwawala nya kung hindi nya tayo nakikilala? " Tugon nito.

Batid nila na hindi magiging madali ang pinapagawa sa kanilang dalawa lalo na alam din nila ang tungkol sa pagkawala sa katinuan ni Philia tuwing ginagamit ang kapangyarihan ni Pearl na dati pang nababanggit ng dalaga sa kanila.

Sineryoso naman ito ng mga dalaga ngunit hindi nila inaasahan na ganun kalakas ang tinataglay nito na halos hindi nila kayang pigilan. Nahulaan nila na nilalason ang kaisipan nito ng sobra sobrang enerhiya at nilalamon ng pagkasabik na mailabas ito sa isang laban upang mapatagumpayan ang hangarin ma kasalukuyang iniisip nito.

Nagiging agresibo ang mga tao sa tuwing hindi kinakaya ng utak nila ang pagtaglay ng napakalakas na enerhiya na pumipigil sa kanilang mag isip ng tama at maalala ang ilang bagay lalo na sa sarili.

Mahahalimbawa nila ito sa isang sobrang lasing na tao na hindi kayang malaman ang dapat gawin sa pagtataglay ng sobra sobrang enerhiya na minsan ay dinedepende na lang sa emosyon ng tao na tinataglay.

Sanay sila Thalia sa laban pero hindi sila tinuruan kung ano ang gagawin sa mga ganitong sitwasyon na may kasamahan silang pwedeng pumaslang sa kanila sa pagwawala nito.

Alam nila na maaari silang mapahamak kung hindi nila ito maaayos agad ngunit maging si Thalia na tumulak sa dalagang gamitin ang kapangyarihan nito ay walang maisip na paraan upang matapos ito ng maayos at payapa.

" Sa tingin mo ayos lang na wala tayong gawin? " Tanong ni Maya.

" Ahh.. Alam ko na, bakit hindi mo subukan na bumaba doon at kausapin si Philia" Pagbibiro ni Thalia na nauubusan na rin ng naiisip na paraan.

Hinikayat nya na kausapin ni Maya ang dalaga upang tumigil ito sa pag wawala, pinaliwanag nito na maaaring maalala ng dalaga si Maya dahil na rin sa palagi silang magkasama sa eskwelahan.

Batid naman ni Maya ang pagiging malapit nito kay Philia ngunit ganunpaman ay hindi nya sinang ayunan ang sinabi ng partner nya dahil alam nyang manganganib sya rito at imbis na sya ang mag kusa ay binalik nya ang sinabi ni Thalia.

" Hindi magandang ideya yan, Sa ating dalawa ay mas malapit ang loob nya sayo lalo pa't itinuturing ka nyang nakakatandang kapatid."

" Sa tingin ko mas makikinig sya sayo kung ikaw ang pupunta doon." Dagdag nito.

Hindi na naka imik si Thalia sa nasabi ni Maya dahil alam nya na hindi nya kayang itanggi na lubos syang pinagkakatiwalaan ni Philia at itinuturing na malapit na kaibigan na pinapakinggan lalo pa at pinag bigyan nya ito sa pabor na hinihingi nito.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now