Chapter 15 "Pakikipagkaibigan" Part 1

134 9 0
                                    

Chapter 15 part 1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 15 part 1


Akihiko POV.


Pangalawang araw mula nung matapos kami sa community service na pinagawa saamin bilang parusa sa nagawa namin ni Xiuan na paglabag. Panibagong araw ito para bawiin ang nawalang araw sa klase ngunit mukhang malalate nanaman ako.

Siguro napasobra nanaman ako sa paglalaro ng mobile game buong gabi, Ang totoo bawal ito sa alituntunin ng eskwelahan pero ito lang ang alam kong libangan.

Hindi naman ako makalabas ng dorm na ito para gumala katulad sa japan at wala rin akong pwedeng maayang makakwentuhan sa klase namin dahil lahat sila abala na sa paparating na exam.

Isa rin sa problema ko ay sa ngayon si Taifa pa lang ang nakakasama ko dahil na rin sa mag partner kami. Hindi sa ayaw ko sya kwentuhan pero puro manika at pag lalaro ng snake at ladders ang ginagawa namin bilang libangan.

Habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa klase ni maam Devora ay nasalubong ko na lumabas ng pinto si Xiuan kasama si Vladimir.

Nanggaling sila sa isang kwarto na pinagsasanayan namin. Masipag magsanay si Xiuan at tuwing makikita ko yata sya ay wala syang ibang ginagawa kundi magsanay.

Minsan nagtataka na rin ako kung maayos pa ba ang kalusugan nya. hindi rin kasi maganda sa katawan ang sobrang pagpapadaloy ng enerhiya ng mahabang oras.

Ang pag gamit nito ng halos tatlong oras ng walang humpay ay kayang makasira sa mga muscles at balat ng tao.

Para nitong sinusunog ang laman namin hanggang sa hindi na namin maramdaman ang katawan namin.

Nagkasalubongan ang tingin namin kaya naman binati ko sya bilang pakikisama sa kanya dahil mukhang iritable parin sya saakin dahil hanggang ngayon inaakala nyang sinasadya ko syang inisin,

Naisip kong mas kailangan kong pakisamahan sya ng maayos kaya ngumiti ako dito at kinawayan habang kinakamusta ito pero imbis na tumugon sa pagbati ko ay sinungitan nya lang ako at dumeretso sa pag alis.

" Magandang umaga." Bati saakin ni Vladimir habang naglalakad na naka sunod kay Xiuan paalis.

Mabuti pa si Vladimir ay nagawa akong batiin kahit na nagpapatuloy ang alitan sa alyansa na pinangalingan namin. Siguro hindi rin sya masyadong nakiki elam sa pulitika sa loob ng guardian.

Bata pa lang ako nakikita ko na rin sya sa pahayagan at sa mga pandaigdigang torneyo, Kilala sya na isa sa mga pinaka mahusay na Spirit Artisan sa boung mundo katulad ni Xiuan at sa totoo lang si Xiuan lang at si Brigette ang hindi nya kayang talunin sa laban sa torneyo pero napaka pambihira nyang lumaban kaya hindi ako nagtataka na inalok syang maging sundalo agad ng Guardian..

Nakakatuwa lang din na mabait at palakaibigan sya sa lahat ng nakakasalamuha nya, ibang iba sya kanila Xiuan at iba pang nangungunang Spirit Artisan sa mundo.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now