Chapter 22 "Pakikipagkaibigan" Part 2

90 8 2
                                    

Chapter 22 Part 2

" Pakikipag kaibigan."

Philia POV.

Kakatapos lang ng kaguluhan at labanan sa pagitan nila Xiuan at Brigette ay mukhang may pinagtatalunan nanaman sila.

Nakatulog ako dahil sa panghihina ng katawan ko na halos hindi ko maikilos ang braso ko. Pero habang natutulog ako ay bigla akong nagising dahil sa pagtatalo ng mga kasama ko.

Wala akong ideya kung ano nanaman ang naging problema nila ngunit sa tuwing naririnig ko ang maangas at mayabang na pananalita ng chinong lalaking yun ay kusang naalerto ang utak ko. Siguro dahil sa trauma sa kanya dahil pakiramdam ko tuwing nagsasalita sya ay akala mo laging nahahanap ng kaaway.

Kakagising ko lang kaya hindi ko masyadong nahabol ang topic nila pero ayon sa pagkakaintindi ko ay ayaw nila magkaroon ng malalim na ugnayan sa bawat isa at sa madaling salita ay ayaw nila maging kaibigan ang isat isa sa team.

Para sa kanila ay magkakakompetensya sila sa pangarap nila kaya hindi nila kayang magtiwala sa isat isa.

Pero sa tingin ko ginagawa nilang komplikado ang lahat. Ewan ko kung paano sila mag isip ngunit mukhang mas lalaki ang mga gulo kung hindi sila magkakasundo sundo kaya naman kahit nanghihina pa ako ay hindi ako nagdalawang isip na sumabat sa usapan.

" Sandali, Hindi ko maintindihan kung anong pinagtatalunan nyo pero bakit parang ginagawa nyong komplikado ang pagkakaroon ng espesyal na ugnayan katulad ng pakikipagkaibigan sa bawat isa? "

Natanong ko agad sa kanila kung ano ang pananaw nila sa salitang pakikipagkaibigan sa kapwa nila kasamahan. Iniisip ng mga ito na makakasagabal sa pangarap at misyon nila ang pagkaroon ng kaibigan sa grupo kaya naman nananatili silang magkakalayo ng loob.

Ito rin ang dahilan kaya kahit nasa dalawang buwan na silang magkakasama sa iisang classroom ay malayo ang loob nila sa isat isa at halos hindi nagkikibuan.

" Ano bang kalokohan ang sinasabi mo? " sambit ni Xiuan saakin.

" Pasensya na kung sumingit bigla ako sa usapan nyo pero sa tingin ko masyado nyo ginagawang komplikado ang simpleng bagay."

Agad na nakuha ko ang atensyon nilang lahat na para bang may mali akong sinabi at nakatitig silang lahat nang masama saakin.
Nauunawaan ko na hindi nila maaaring suwayin ang mga inuutos sa kanila ng pamilya nila pero parang napaka komplikado kung pati ang nararadaman at  simpleng pakikisama sa iba ay kokontrolin ng pamilya nila.

" Wala akong masamang ibigsabihin pero sa tingin ko hindi naman makakagulo ang pagkakaroon ng kaibigan sa team sa pangarap at misyon nyo mas nakakapangamba pa ang pagkakaroon ng kaaway sa loob ng grupo." Sambit ko rito.

" Tsk, Ano naman ang alam ng kagaya mo sa pakikipagkaibigan? " Tanong agad saakin ni Xiuan.

" Huh? Ah.. Eh... Ewan pero masasabi kong marami akong kaibigan kesa sainyo kaya mas alam ko ang bagay na iyon." Sambit ko.

" Ano? "

Dahil sa sinabi ko ay sandaling natahimik ang lugar at mukhang minasama nila ang bagay na iyon. Wala akong intensyon na palabasin na wala silang naging mga kaibigan ngunit dahil sa kanilang mga reaksyon ay halata na hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon nito.

" Teka! Seryoso kayo?  Wala kahit isa sainyo ang may kaibigan ? " Tanong ko rito.

" Ha! Ano naman kung ganun ?"

" Mayroon ako pero halos sampung taon na mula nung huli kaming nagkita at hindi ko nga alam kong matatawag pa ba kaming magkaibigan." Sambit ni Akihiko.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ