CHAPTER 16 "Isang Celestial" Part 1

102 10 0
                                    


CHAPTER 16 Part 1

PHILIA'S POV.



Sa Paglipas ng isang buwan simula nang maging myembro ako ng elite ay marami akong natutunan at napagdaanan pero kahit ako ang pinaka huli sa klase namin ay masasabi kong may iniuunlad naman ako kahit papapaano kaso nga lang kulang pa ito para matanggap nila ako.

Unang araw ng Exam week namin at ito ang araw na kinatatakutan ko hindi dahil sa baka bumagsak ako kundi dahil ito ang araw na pinag usapan namin ni maam devora tungkol sa muli kong pag gamit sa kapangyarihan ni Pearl.

Nagkasundo ang Supreme commander at si maam Devora na hindi ako pilitin sa pag gamit doon lalo pa hindi ko ito makontrol.

Sinanay ako ni maam devora at pinalakas ang katawan at isip ko para ihanda sa pagdaloy ng nag uumapaw na enerhiya na matatanggap ko kay pearl pero sa totoo lang hindi ako sigurado kung kaya ko na.

" Hindi ko alam kong bakit masyado kang nag aalala." Sambit ni Pearl.

Sumagot bigla si pearl habang nananamlay akong nakaupo sa upuan sa locker room kasama nila Maya.

" Nakakapagsalita ka ng ganyan dahil hindi ikaw yung nasa kalagayan ko."

Muli kaming nagtalo ni Pearl tungkol sa pag aalala ko sa pag gamit ko sa kapangyarihan nya.

Maraming beses na kaming nag usap tungkol dito at ilang beses nya na rin nasabi na ako parin ang taong yun at wala akong ibang gagawin kundi maniwala sa sarili.

Ang tinutukoy nya ay ang babaeng nagwala noon sa exam ng Class Z. Isang mapanganib na babaeng punilay at nagpatulog sa mga kaklase nya.

" Sa tingin ko nabigla ka noon sa pag gamit nito na hindi handa ang katawan at isip mo kaya nung magtaglay ka nang nag uumapaw na lakas ay tila nalasing ka sa enerhiya."

" Iyon ang dahilan kung bakit ang sinusunod mo lang ay ang mga pagnanais mo at pagnanasa noon na manalo sa laban at magtagumpay."

" Kung patuloy mong iiwasan ang pag gamit sa kapangyarihan ko ay bale wala ang pagtulong ko na makapasok ka rito."

Hindi ko sigurado kung lubos ko ng nauunawaan ang lahat ng sinasabi ni Pearl saakin pero kung nalalasing ang isip ko ng enerhiya na nagiging dahilan para magwala ako ay paano naman ako makakasiguro na magagawa ko ng paglabanan ang bagay na iyon pag ginamit ko na muli ito?

Habang nagtatalo kami ni Pearl ay bigla akong binatukan ni Thalia na tapos na mag bihis at pinapatigil sa pag kausap ng mag isa.

"Alam mo nag mumukha kang baliw sa pag kausap dyan sa bilog na bato na yan."

" Aray ko naman, Hindi isang simpleng bato si Pearl buhay sya." Sambit ko rito.

Masyadong nagiging salbahe saakin si Thalia at nagsusungit kaya hindi ko naiwasan na magtampo rito lalo na nawalan ako ng tyansa na makausap si Akihiko dahil sa bilin nya na wag na akong magpahamak ng ibang tao dahil lang sa kahibaan ko.

" Tumigil ka, masyadong mabait si Akihiko kaya tiyak aalokin ka nya ng tukong kagaya ng nasa canteen at dahil pinag iinitan ka nila Xiuan at Cana ay may posibilidad na mapahamak ulut sya."

"Hindi makakatulong sayo ang paghingi lagi ng pabor, Gawin mo ang makakaya mo na hindi umaasa sa ibang tao."

Nauunawaan ko ang punto nya pero hi.di ko maiwasan na hibdi sumagot sa kanya ng pabalang lali pa ang galing nyang magsalita na iwasan ang tulong ng iba pero kapag may nambubully saakin ay tumatahimik lang sya.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now