CHAPTER 23 " Kaibigan " Part 2

75 10 2
                                    

Chapter 23 Part 2

" Kaibigan "

Philia's POV.

Lumipas ang ilang minuto pagkatapos naming mangaso ni Akihiko sa gubat ay bumalik na kami sa kampo.
Nagsimula na kami maghanda para sa pagluluto ng hapunan namin.

Abala kaming naghihiwa at naglilinis ng karne habang patuloy akong napapraning kakaisip sa nangyari kanina.

Hindi ako maka move on na gusto akong kaibiganin ng crush ko dahil isa akong weirdo.
Tama, para sa kanya ang weird ko kaya sya nagkainteres saakin.

Paulit ulit umeeko sa tenga ko ang pagkakasabi nyang yun. Sa tingin ko masisiraan na ako ng bait dahil hindi ko ito malimutan.

Hindi ko naisip na makikilala nya ako bilang isang weirdo pero kung tutuusin ano nga bang masama sa pagiging weirdo.
Hindi ko alam pero hindi ko rin naman masasabing masama ang pagiging weird.

Ngumiti sya nung sinasabi nya na weirdo ako kaya siguro hindi yun masamang bagay.
" Arhhh! Ayoko na !! Mababaliw na ako sa kakaisip ." Bulong ko sa isip ko.

Dahil sa pagka praning ko ay hindi ko namamalayan na tinatadtad ko ng tinatadtad ang karne na hinihiwa ko habang bumubulong ng kung ano ano.

Sa mga sandaling iyon hindi ko namamalayan na kanina pa pala ako tinitignan ni Akihiko sa ginagawa ko.
" Te-te-teka Philia, kapag ganyan ang ginawa mo ay magkakalasog lasog ang karne na yan."

Halos magulat ako sa kinalabasan ng ginawa kong pag gutay gutay sa karne habang lumulutang ang isip ko kanina kaya naman agad akong humarap sa kanya at aligagang humihingi ng tawad.

Hindi ko naman nakikitaan nang pagka inis si Akihiko kahit na nasira na ang porma ng karne na niluluto namin at ngumingiti lang na tila pinagkakatuwaan ako.

" Hindi ko talaga sinasadya, pasensya na talaga."

Hindi naman nya masyadong inintindi ito at pinag hiwa na lang nya ako ng gulay na nahanap din namin sa gubat para ihalo sa niluluto namin.

Lalo tuloy akong nakakaramdam ng hiya dahil patuloy akong nakakagawa ng mali at nagpapakita sa kanya ng weirdong bagay. Hindi ko sya masisisi kung tawagin nya akong weirdo.
" Sirang sira na ang imahe ko sa kanya bilang babae." Bulong ko.

Ilang sandali pa habang patuloy kaming gumagawa sa tabi ng tubig sa talon ay bigla syang nagtanong saakin kung ano ang pangarap ko.

Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sa bagay na iyon at isa pa mahirap sagutin iyon sa ganitong sitwasyon.

" Ah.. Eh.. Pangarap? Kasi alam mo.."

Halos mabulol ako dahil sa pagiging aligaga ko ngunit sa totoo lang hindi ganun ka espesyal ang pangarap ko.

" Hindi ko alam talaga pero sa ngayon gusto ko lang maibangon ang pamilya ko sa kahirapan. Matiyak ko lang ang magandang buhay nila ay iyon lang sapat na saakin ." Sambit ko rito.

Wala syang nasabi sa napakasimpleng pangarap na sinabi ko kundi isang matamis na ngiti habang pinupuri ang pagiging mabuting anak ko sa mga magulang ko.

Natahimik ito at muling bumuntong hininga habang pinagtatapat na naiingit sya saakin sa pagkakaroon ng mga pangarap.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga nasabi ko kanina tungkol sa pangarap nila na pwedeng mawala sa kanila. curious ako kaya natanong ko sa kanya kung katulad ni Xiuan ay pangarap nyang maging Supreme Commander balang araw.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla syang tumigil sa ginagawa nyang pagluluto at nagbago bigla ang mood nya dahil sa naitanong ko sa kanya, Nawala ang mga ngiti sa mukha nya at sandaling nanahimik.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora