Chapter 25 "Takot" Part 2

87 7 0
                                    

Chapter 25 Part 2

" Takot "


Alexis POV.


Ang pagkakaroon ko ng lakas ng loob ang nagdala saakin patungo sa kinalalagyan ko at magpapatuloy ang buhay ko na may nag aalab na determinasyon at para iyon sa pangarap kong maging Supreme Commander at mailigtas ang aking ina balang araw.

Sa gitna ng aking pagpapatuloy sa buhay at pag aaral sa military school ng guardian ay marami akong natutunan at nakilalang ibat ibang tao.

Normal saakin na hindi ako kausapin mg mga tao sa paligid ko dahil sa katayuan ko na ginagalang at binibigyan nila ng halaga ngunit iba ito nung pumasok ako sa klase ng Elite, Lahat ng nasa klase ay nagmula pa sa ibat ibang makapangyarihang pamilya sa buong mundo at alam ko na kagaya ko ay mga espesyal din silang ituring sa bansa nila kaya naman mahirap para sa kanila na makipag usap at makihalubilo sa mga kaklase nila.

Mahirap para saakin ang bagay na iyon dahil kailangan kong makuha ang suporta nila sa bandang huli.

Kakaiba ang mga ugali at personalidad ng mga kasama ko sa Elite at isa na yata sa nagbigay saakin ng pagkamangha ay ang babaeng si Philia.

Ilang taon akong naghanda noon para makasama bilang representative ng aking bansa at halos isang daang kandidato ng alyansa ng polaries ang hindi pinalad na mapasama sa Elite pero sa hindi inaasahang pangyayari ng dahil lang sa ipinasang exam sa klase ay nalipat ang isang dalaga ng walang kahirap hirap at ang mas kakaiba rito ay isa lang syang normal na tao kagaya ng ibang mamamayan na walang espesyal na katangian bilang Spirit Artisan.

Hindi naginv maganda ang trato ng mga kasama ko sa kanya, hindi ko naman sila masisisi na magalit na halos ipagtabuyan ito paalis ng Elite ngunit sa kabila ng masamang pagtrato sa kanya ng iba ay hindi pa rin sya natitinag at buo ang loob sa pananatili sa klase.

Hindi sya nagquit kahit na nakabangga nya ang isang makapangyarihang tao na mula sa angkan ng Li at myembro ng alyansa ng mga Dragon na si Xiuan.

Naging mahirap ang pagiging leader ng klase ko dahil kailangan kong panatilihin na maayos ang lahat na hindi masisira ang pangakan ko sa kanila.

Masigasig na tao si Philia at nakita ko yun sa halos isang buwan kong pagsunod sunod sa ginagawa nya.

Mula sa malayo ay nakikita ko kung gaano sya kadeterminado at nagsusumikap para lamang maging karapatdapat sa Elite. Alam kong gusto nyang patunayan hindi lang kay Xiuan kundi saamin lahat na maaari syang makipagsabayan saamin.

Ang totoo natutuwa talaga ako sa kanyang pagkamasigasig at minsan gusto ko na syang lapitan upang tulungan sa ginagawa nya dahil may pagkakataon na mali na ang mga paraan nya ng pagsasanay kaya minsan ay nauuwi sa wala.

Pero alam ko na hindi ko pwedeng gawin yun basta dahil sa posisyon ko bilang leader ng Elite na dapat ay pumatas at walang binibigyan ng pabor sa sinoman sa kanila, Hindi ko pwedeng ipakita na nagbibigay ako ng pagkampi sa isang taong iniisip nilang hindi nararapat sa grupo namin.

Lagi akong pina-alalahanan ni Cana na magiging masama sa paningin ng mga kasama ko saakin kung makikita nilang nagbibigay ako ng tulong kay Philia sa pagsasanay nito lalo pa nandoon ito sa utos ng aking ama.

Hindi ako takot kung husgahan nila ako na kasabwat ng aking ama kung bakit naisama ang katulad nya sa espesyal na grupo ng Elite ngunit masyadong mahigpit si Cana sa bagay na ito.

Kahit na halos limang taon na mula nung nagkasundo kami ay ginagalang ko parin ang kanyang mga salita dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Si Cana ang nag iisang pwede kong asahan sa lahat ng kailangan ko at kahit na minsan ay hindi na tama na ang kinikilos nya dahil sa pagkamaldita nito ay hindi ko sya pwedeng basta pagalitan dahil ayokong magkaroon kami ng sama ng loob sa isat isa.

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now