Chapter 14"Vladimir" part 2

133 11 4
                                    


Chapter 14 part 2


Xiuan POV.


Lumipas lang ilang minuto pagkatapos ng kalokohan na nangyari saakin nitong umaga ay naghanda na ako para pumasok sa klase.

Hindi naman mahirap mahanap si Steve dahil magkatabi lang kami ng Unit kaya hinintay ko itong lumabas para makaganti.

Masyadong matinik ang isang iyon lalo na sa takasan pero hindi nya ako maiisahan sa pagkakataon na ito.

Pagkabukas at pagkabukas nya pa lang sa pinto nya ay sinungapan ko na sya, hinawakan ko agad ang kwelyo nya sabay balibag sa sahig pero laking gulat ko ng mapunta kami sa kama.

Hindi ko nagawang saktan sya sa mga oras na iyon upang makaganti dahil malambot ang binagsakan namin. Sa gulat ko ay nabitawan ko sya dahilan para makatayo ito at makatakbo palayo saakin.

"Bwisit ka! Akala mo ba palalagpasin ko ang ginawa mo? "

Sa inis ko ay tinalunan ko sya para mahuli ngunit sa bilis nito ay naiwasan nya lang ako.

" Teka, teka huminahon ka! Hoy Xiuan nagbibiro lang ako."

" Bwisit ka alam mo ba kung gaano nakakahiya ang ginawa mo saakin."

Nagpatuloy syang umiwas sa mga pag atake ko sa kanya habang nagpapaliwanag na hindi nya ako gustong ipahiya.

Idinahilan nya saakin na hindi nakakakita si Brigette dahil sa kanyang kapana an kaya hindi malaking bagay kung nakahubad akong nakipag usap dito.

" Tumahimik ka!! Wala akong paki sa sinasabi mo basta pakiramdam ko hindi ako matatahimik kung hindi ko magagawang masapak ang mukha mo."

Sa pagkakataon na iyon ay humawak sya ng unan at ginamit ito para maging panangga sa suntok ko.

Hindi na ako makapagtimpi kaya naglabas na ako ng awra at nagbabalak ilabas ang spirit pet ko.

" Teka talaga bang gagawin mo yan? Hindi mo ba alam kung nasaan tayo? "

Dito ay mapahinto ako dahil sa nasabi nya at pinag masdan ang paligid. Makikita sa kwartong iyon ang mga pink na kurtina at mga stuff toy.

Pumasok sa isip ko na dinala nya ako sa isa sa mga kwarto ng mga kamag aral ko at base sa mga gamit dito ay nakakatiyak akong nasa kwarto ako ng isang babae .

" Bwisit ka! wag mong sabihin na nasa kwarto tayo ng babae?"

Hindi nya iyon itinanggi at pinagbataan ako na kung patuloy ko syang hahabulin at sasaktan ay mapipilitan syang lumabas at iwan ako dito.

Tinatakot nya ako sa pwedeng isipin saakin kung mababalitaan ng lahat na pumapasok ako sa kwarto ng babae.

" Subukan mong gawin yan at ihahatid kita sa huli mong hantungan."

Tumawa ito at sinabing kapareho nya ay ayaw nyang makaranas ako ng bagay na ikasisira s panganlan ko kaya naman kinumbinsi nya akong huminahob at sumang ayon sa gusto nyang kalimutan ang lahat.

" Gusto mong kalimutan ko na lang ang lahat ng ito?"

Napailing ako dahil kahit anong isip pa ang gawin ko ay wala akong laban sa larong ito. madali nya akong napaglalaruan dahil sa abilidad nya.

Hindi ko rin alam kong kaninong kwarto ito kaya kailangan kong pumayag kahit na labag ito sa loob ko.

" Ok, ok palalagpasin ko ito pero sa oras na gawin mo ulit ito ay sisiguruhin kong malilintikan ka."

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaWhere stories live. Discover now