Chapter 13 "Karapatdapat" part 2

119 9 6
                                    


CHAPTER 13 part 2

" Karapatdapat"

Philia POV.

Hindi pa natatapos ang kanyang pang bubully saakin dahil habang nakaluhod ako ay kinuha nya si pearl at inilapag sa sahig para iabot saakin.

" Ang sabi nila itong puting batong ito ang nagbibigay sayo ng malakas na enerhiya kaya ka nila tinanggap sa Elite."

" Sinabi rin ni Maya na nakakausap mo ito na parang tao at inaalagaan ka nito sa lahat ng oras."

Umupo sya sa harap ko habang nakangiti na inaalok ako sa isang kasunduan. Isang kasunduan na dwelo kung saan kailangan sundin ng matatalo ang kagustuhan ng mananalo.

Nakakasindak ang mga ngiti nya habang sinasabing.

" Kung totoo nga may tinataglay kang pambihirang kapangyarihan ay nais ko itong subukan."

Dahan dahan nyang itinaas ang kamay nya at hinawakan ang baba ko habang sinasambit ang tungkol sa kanyang pinagmulan.

"Bata pa lang ako sinanay na akong makipaglaban, hinasa akong humarap sa mga kalaban mas matanda at malaki saakin."

Isa isa nyang binangit saakin ang mga kaya nyang gawin at pinamukha saakin ang laki ng deperensya namin pagdating sa maraming bagay.

Muli nyang hiniling saakin na pumayag sa kanyang paki usap na makipagdwelo sa kanya.

" Sabik na akong makita kung sino ba saatin ang mas higit na espesyal."

Napansin ko ang pagkairita nya saakin dahil lang sa pagiging myembro ko ng Elite kagaya ni Xiuan at dahil doon ay hindi ko maiwasan na maglabas ng saloobin.

" Hindi ko maintindihan. Alam ko na ayaw nyo ako sa Elite dahil mahina ako, kaya nga kahit mahirap ay pinipilit kong magsanay at sumabay sainyo."

Imbis na pakinggan ako ay pinagtawanan nya lang ang sinabi ko dahil para sa kanya ay hindi  lang dahil sa kahinaan ko ang dahilan kung bakit hindi ako nararapat na humanay sa Elite kagaya nila. 

" Hindi lang dahil sa mahina ka kaya ka ayoko sayo kundi dahil isa ka lang hamak na probinsyana na nagmula sa mahirap na angkan."

" Kung gusto mong tanggapin kita bilang isa saamin ay ipakita mo ang kapangyarihan na itinatago mo."

Naramdam ako ng matinding presensya sa paligid ko kasabay ang pagpapakawala nya ng kanyang enerhiya. Napakabigat nito sa pakiramdam na sinabayan pa ng umeeko nyang mga tinig sa tainga ko.

Para akong nababalot ng mahika na pumipigil saakin na kumilos sa kinauupuan ko.

"Bakit ganito? Pakiramdam ko may kadenang nakagapos saakin" Bulong ko sa isip.

Sa mga oras na iyon ay hindi ko alam ang gagawin ko, Hindi ako pwedeng pumayag sa gusto nyang mangyari.

Alam kong gusto nila makita ang kapangyarihan ni pearl at hindi sila titigil hanggat hindi nila ito natatalo pero nakakatiyak ako na mas magsisisi ako kung sakaling may masamang mangyari habang ginagamit ko ito.

Anong gagawin ko? Paki usap kahit sino tulungan nyo ako.

Sa mga sandaling iyon tuluyan akong napasailalim ng kanyang teknik kung saan wala akong ibang naririnig at nakikita kundi ang nakakatakot nyang mga ngiti habang hindi ako makagalaw.

" Magagawa mo lang makawala sa teretoryo ko kung gagamitin mo ang kapangyarihan ng spirit item mo, kaya naman sige na Philia."

"Halika't pumayag ka na para masimulan na natin ang laban."

LOVE X WAR: Battle for the heart of young filipinaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن