Chapter 1
FLASHBACK — GRADE 4
TUMATAKBO si Jersey para habulin ang mga kaibigan niyang nauuna maglakad pauwi galing eskwelahan. Hirap siyang makahabol dahil sa bigat ng bitbit na bag. Sandamakmak na makakapal na libro kasi ang dala dagdag pa ang sampung kwaderno sa grade 4.
Nakahawak siya sa strap habang tumatakbo at nung sisigaw na siya para tawagin si Miko, napatigil siya dahil sa pag-uusap nila.
Nanunukso si Anjo kay Miko tungkol sa batang crush nito. “Si Jersey ang crush mo, no?”
Pinahidan ni Jersey ang sipon niya. Bakit naman siya magiging crush ni Miko? Dahil sila ang magbest friend? Dahil pinapahiram niya ito ng lapis? Dahil magkapitbahay sila? Dahil magkaibigan ang mga papa nila?
Pero gustong mapangiti ni Jersey sa kaisipan na may nagka-crush sakanya.
“Hindi, no!” sabi ni Miko sabay tulak kay Anjo. Napawi ang ngiti ni Jersey. “Ang best friend, hindi gine-girlfriend.”
PRESENT — FOURTH YEAR HIGHSCHOOL
“AHHH! TAKBO!” sigaw ni Je.Nagmamadaling tumakbo ang limang magkakaibigan palabas ng campus ng Manuela National Highschool. Tinatakasan nila ang matanda at masungit na guard na si Mang Pidol. Lumabas kasi sila ng school para maglunch at diretsuhin na hanggang sa susunod na subject. Boring kasi ang next subject, laging inaantok sina Je at Miko.
“Tama na, tama na,” awat ni Anjo sakanila. Humahapo siya sa hingal. “Hindi na tayo maaabutan ni Mang Pidol niyan. Mahina na tuhod nun, eh.”
Simula ron, napagdesisyunan nilang maglakad na lang. “Saan tayo kakain?” tanong ni Wilson.
“Sa tapsihan!” masiglang sabi ni Je.
Sa tapsilogan ni Aling Gloria madalas nakatambay ang limang magbabarkada. Sawang-sawa na sila sa luto sa canteen ng maputlang tocino. Dito kay Aling Gloria, malalasa ang mga ulam.
YOU ARE READING
More Than This (Wattys2019 Winner)
Teen FictionWattys 2019 Winner | Young Adult (naks!) SYNOPSIS: A story of a 4th year highschool girl named Jersey who grew up dressing and acting like a boy. After meeting the college cutie, Andrei, who's studying in South Mill University, she decided to change...