6

6.5K 114 4
                                    

Chapter 6

KANINA pa sinusundan ni Miko ang mama sa buong bahay

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KANINA pa sinusundan ni Miko ang mama sa buong bahay. Pinipilit sa isang bagay para payagan siya.

“Ma, payagan mo na ako.”

“Hindi nga pwede sabi,” matigas nitong sabi.

“Si Kuya Joaquin naman pinayagan niyo mag-aral magdrive kahit 16 pa lang!”

“Hindi namin ginastusan ang Kuya mo. Tinuruan siya ng Tito mo.”

“Edi, Ma, sabihin mo rin kay Tito.”

“Hala sige, puntahan mo sa Saudi. Magpaturo ka don.”

“Maaaaaaa.”

Umupo si Miko sa sahig habang nakalapat ang binti na parang bata. Umiyak pa siya at nagwala kaya mas lalong nainis ang Mama niya.

“Hay nako, Mitchell Kobby Sanggalang!”

Ngumawa pa rin nang ngumawa si Miko sa pag-asang papayagan na siyang mag-aral magdrive ng Mama niya. “Sa tingin mo ba tinatae lang namin ng Papa mo ang pera?” sabi nito. “Alam mo ba kung gaano kamahal ang driving lessons ngayon? Magbike ka na lang!”

“Maaaaaaa.”

“Magkokotse ka ba hanggang Manuela?” pinunasan ni Tita Laura ang pawis sa noo. “Umiinit ang ulo ko sa‘yong bata ka. Hindi tayo mayaman kung makaarte ka ng ganyan.”

“Kapag kay kuya talaga laging oo, eh.”

Inabot na ng mama niya ang walis tambo. “Aba, hindi ka pa tatayo diyan?”

Tumayo si Miko agad. “Naiintindihan ko na,” sabi niya. “May favoritism talaga sa pamilya na ‘to.”

Nang hahabulin na siya ng Mama niya ng walis tambo, tumakbo agad si Miko papunta sa bahay nila Je. Naabutan niya siya sa sala na nanunuod TV. Tinanong niya bakit gano‘n ang hitsura niya.

“Ang hirap um-acting.” Pinunasan ni Miko ang mga pekeng luha at sipon. “Hays. Unfair talaga.”

“Kaya pala naririnig ko boses ni Tita Laura dito,” sabi ni Je. “Ano na namang gusto mong ipabili na hindi binigay sa‘yo?”

“Driving lesson.”

Tumawa ng malakas si Je. “Mag-aaral ka magdrive? Highschool palang tayo.”

“Eh, ano naman? May student license naman nang tinatawag ngayon, ah?”

Hindi siya pinansin ni Je. Nagfocus lang siya sa pinapanuod nang umupo naman si Miko sa couch sa tabi niya. “May naisip ako.”

Sumeryoso ang boses nito kaya napatingin si Je sakanya. “Anong kalokohan na naman ‘yan?”

“Maglalayas ako. Papakita ko sakanila na nagrerebelde ako para ibigay nila gusto ko.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now