49

4.6K 116 33
                                    

Chapter 49

ISANG normal na araw na naman na naimbitahan si Je sa bahay nila Miko ngunit sa pagkakataon na ito ay para tulungan si bunso sa homework niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ISANG normal na araw na naman na naimbitahan si Je sa bahay nila Miko ngunit sa pagkakataon na ito ay para tulungan si bunso sa homework niya. Nasa kwarto sila ni Miko habang ginagawa ito kahit na wala naman siyang tinutulong. Nakahilata siya sa kama niya habang naglalaro ng PSP at sila Je at Drake ay naka-indian seat sa carpet.

Time to time, she will glare at him because of the noise he's making whenever he's about to lose a game.

“Ay, sorry,” paumanhin ni Miko matapos mapalakas ang sigaw. Isinantabi niya ang PSP tapos sinilip silang dalawa sa baba ng kama. “Career na career mo yang pagtu-tutor, ah.”

“Siyempre pang-elementary.”

“Sabagay, diyan ka lang nagmumukhang matalino.”

Sinipa ni Je ang kama niya.
        
        
Kung akala ng lahat naging isang sweet na manliligaw si Miko na daig pa may diyabetis kay Je ay mali ang iniisip nila. Oo't tumaas ang label ng dalawa simula nung gabing 'yon sa Bay Square pero hindi pa rin nawawala ang mapang-asar na Miko.

Manliligaw niya siya pero best friend niya pa rin ito.

“Joke lang!” natatawang sabi niya.

Umirap lang si Je tapos binalik na ulit ang atensyon kay Drake. Maya-maya saktong pagkatapos ng homework ni bunso ay dumating si Tita Laura na may dalang pagkain.

“Magmeryenda muna kayo.”

“‘Yon, sakto!” sabi ni Je habang umuunat.

“Sakto raw, ma, kasi paubos na brain cells niya.”

Gusto niyang hampasin si Miko sa sinabi niya pero naalala ni Je na nandito si Tita Laura at nakatingin si bunso kaya hindi magandang magpakita ng kabrutalan sa bata pero siya rin itong pinahintulot ni tita. “‘Wag kang matatakot sapakin si Miko, Jersey.”

“Sige, tita, mamaya po,” sabi niya na lang.

Bago lumabas si Tita Laura, binuksan niya ang pinto ng kwarto ni Miko tapos kinaladkad ang isang upuan para iharang dito. Pagkatapos, tiningnan niya si Drake na parang may telepathic message na pinadala na hindi pwedeng malaman ng dalawa. Tumango si bunso at saka lumabas na si Tita Laura.

Tiningnan ni Miko ang kapatid. “Bakit hindi ka pa umaalis, Drake? Tapos na homework mo.”

Umiling ang bata. “Ayaw.”

“Do’n ka na sa kwarto mo.”

Hindi siya pinansin nito bagkos ay tumayo pa para kunin ang PSP niya at humiga rin sa kama. Miko nudged softly his shoulder. “Labas ka na dalhin mo na 'yung PSP ko.”

“‘Yoko nga.”

“At bakit naman?”

“Sabi ni mama,” hindi umaalis ang tingin sa PSP niyang sagot.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now