35

4K 106 18
                                    

Chapter 35

DINALA ni Je ang acceptance letter ng SMU sa eskwela para ipakita sa mga kaklase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DINALA ni Je ang acceptance letter ng SMU sa eskwela para ipakita sa mga kaklase. Pinagpasa-pasahan ito nina Anjo at Lawrence hanggang sa mapunta kina Hanz at sa mga tropa nito.

Samantalang sina Charlotte ay hindi makapaniwala ang mata sa pinagdidiwang ng mga kaklase.

“Whoa, ang angas mo talaga, Boss Je!”

Inulan si Je ng congratulations mula sakanila.

“Salamat mga t‘yong!”

Ngunit bago pa magusot ang sulat ay hinablot na agad ni Je ito. She's flatting it between her hands and sometimes putting it near to her heart with so much joy in her eyes.

Sa pagpapahalaga ni Je sa papel na ito ay kulang na lang ipa-laminate niya tapos ilagay sa frame.
     
     
After lunch, nagmamadaling pumasok si Lawrence sa classroom para ianunsyo ang isang balita: “Posted na rin ang result sa UdET!”

Marami-rami sa Rizal ang nag-exam sa UdET kaya madaling nagkumpulan ang mga estudyante para sabay-sabay na tingnan ang resulta sa website.

Nag-sign of the cross muna si Anjo bago nakisali kina Wilson at Je. Parehas silang nakasilip sa iPhone ni Lawrence para tingnan sa website ng UdET ang resulta ng passers.

Nang makita ang mga pangalan nila, sumigaw at nagyakapan ang dalawa. “Pasado tayo nila Miko, tiyong! Pasado!!” Anjo was giving him that big bear hug.

“Hindi ko alam kung anong ginawa ni daddy basta mahalaga kasama ko kayong dalawa!!”

The two of them jumped up and down while hugging. It would be better if Miko was hear. Tatlo silang magyayakapan habang tumatalon. Mas masaya, mas makuli, at mas makuwela.

Pero hindi alam ni Je kung bakit absent na naman ito ngayon.
        
        
Halos sabay-sabay na nagpost ng resulta ang mga school na pinag-exam-an ng Rizal kaya halos lahat ay nagdidiwang sa pagkapasa. Given that they're the top section of Manuela, it's no doubt.

May iba lang na katulad ni Charlotte na bumagsak sa first choice pero pumasa sa second choice. She really wanted that university na may active na acting club pero hindi siya nakapasa so she's a little grumpy today.

But who cares? Je is happy. She's happy for her friends. She's happy that they will be in the place they want to be in.

And that's when realization struck her.

Isang buwan na silang hindi nagpapansinan ni Miko. Pumasa siya sa UdET, si Je naman sa SMU. They both got what they wanted. They both got into their first choice.

Maybe it's time to forgive him? Kahit walang sorry, sorry, sige patatawarin na lang ni Je si Miko. Graduation is few days away. Highschool has been four wonderful years for her and a big part of it was her best friend.

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon