21

4.6K 104 11
                                    

Chapter 21

NAGMAMADALI na ang arts dept para tapusin ang props kaya abalang-abala ang team ni Je ngayong araw

Hoppsan! Denna bild följer inte våra riktliner för innehåll. Försök att ta bort den eller ladda upp en annan bild för att fortsätta.

NAGMAMADALI na ang arts dept para tapusin ang props kaya abalang-abala ang team ni Je ngayong araw. Everyone is focused on their assigned work. Everyone is determined to finish the job.

Also a surprise to herself, Je can't believe that she'd be this good of a leader. Dahil nakikitang niyang cooperative ang teammates sa ginagawa, pinapangako ni Je na hindi niya hahayaang mapahiya ang team nila kay Miss Diana.

“Boss Je, okay ba ‘to?” pinakita ni Vina ang daga at pumpkin na ginawa niya.

Je raised her thumbs up. “Good.” At agad ding bumalik sa pagpipintura ng kastilyo.

“Boss Je!” tawag naman ng isa mula sa kabilang parte ng audi. “‘Yung karwahe ayaw tumayo!”

Agad na tumakbo si Je papunta sakanila at tiningnan ang problema. “Kulang sa karton banda rito. Dagdagan ninyo at saka one side lang naman ang makikita kaya may extrang magbibitbit niyan na nakatago.”

Patapos na ang team sa trabaho nila. Kaunting finishing touches na lang at pwede nang mai-present sa guro. Bukas na bukas, isasalang na ito sa rehearsal at kung may masira, aayusin na lang ulit.

Everything is doing good until Miko called in her phone. Kahit may pintura ang kamay, sinagot niya pa rin. “Hello, Miko? Busy ako—”

“Ma'am? Si Je po ba ito?” Iba ang boses.

“Teka.” Tiningnan niya ang nakarehistro sa screen. “Number ‘to ni Miko, ah?”

“Ma'am, ‘yung boyfriend niyo po kasi nakahandusay sa bar.”

“ANO?!” sigaw ni Je. “Kuya, hindi ako girlfriend niyan.”

Pambihira, girlfriend daw?? Gusto niya i-spray-an ng alcohol ang bibig ng lalaking 'to.

Nagsorry ang kuya sa pagkakamali. “Ay, ganun po ba—”

“Pero, huy wait! Saan ‘yan?”

“Sa Timog po.”

Nagmamadaling kinuha ni Je ang bag niya. Nagpaalam siya kay Vina na may emergency lang at babalik din siya agad. “Teka, teka, ganyan talaga ang hitsura mo?”

Tiningnan ni Je ang sarili. Her clothes are full of acrylic paints, even her arms, fingers and cheeks. Naisip niyang maghilamos muna pero matagal pa itong tanggalin. At isa pa, kailangan niyang bilisan para makabalik din agad.

“Okay na ‘yan, okay na ‘yan!”

Habang tumatakbo palabas ay sinusubukan ni Je na hilurin ang mga pintura sa mukha niya. Sadly wala rito ang natatanggal ng buo.

Great, she'll just expect a pimple or two tomorrow morning.

Pero may isa pang pinagtataka si Je, sa lahat ng number na naka-save sa cellphone niya ay siya pa ang napili. Nandon din naman sina Anjo at Lawrence. Kahit sina Tita Laura o si Kuya Joaquin. Maski number ni Engr. Jer meron.

More Than This (Wattys2019 Winner)Där berättelser lever. Upptäck nu