18

5K 109 9
                                    

Chapter 18

THE ACTORS took a day off from practice kaya bumisita na lang si Dana kay Je para tumulong sa arts team

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE ACTORS took a day off from practice kaya bumisita na lang si Dana kay Je para tumulong sa arts team.

“Sigurado kang hindi ka naabala?” tanong ni Je. “Sampu naman kami rito sa team kayang paghatian ang trabaho.”

Nababahala kasi si Je na baka may importante palang gagawin si Dana katulad ng mag-advance reading o kung anuman. Ganon kasi ang matatalino.

Ngunit umiling siya. “Hindi nga sabi, ayos lang. At saka tinulungan mo ako na makuha ‘yung role kaya tutulungan din kita.”

Je looked at her. “Pure talent ang nagpakuha sa‘yo sa role ni Cinderella, hindi ako.”

Seeing Dana in civilian clothes, napasabi talaga si Je kung gaano siya kaganda at ka-‘babae’. Hindi niya alam kung may salitang gano‘n basta si Dana ‘yung tipo na mapapatitig ka talaga sa ganda niya. She's beautiful and graceful.

Sumama pa siya rito sa arts team kung saan siguradong magmumukhang basahan na naman si Je kaya manliliit siya kapag tinabi sakanya.

Bagay na bagay kay Dana ang role ni Cinderella. Je believes that she got that princess-vibe na maganda pero may humility ang dalang ganda.

Hindi ‘yung maganda nga at nag-uumapaw sa self-confidence, nagmumukha nang mayabang. She's not referring to Charlotte. She swears she doesn't. Hindi talaga.

Anyway, she's glad that Dana got the main role instead of Charlotte. Through the whole week ng pagre-register kasi ng mga estudyante sakanya, inaangkin na agad ni Charlotte ang role ni Cinderella. Maybe she believes that she was born for it. Because her name's Charlotte which starts in C, and C is for Cinderella.

Kabanas, isip ni Je.

“Kahit na,” sabi ni Dana. “Anyway, hindi pala madali  'tong trabaho niyo. Tapos ikaw ang nagsu-supervise sa buong crew. Ang galing niyo.”

Which Je doesn't deny. “Nakita mo na ‘yung sketch ko ng costume? Nasa portfolio ko.”

Dana's face brightened up. “Oo! Pinakita ni Miss Diana sa‘min ‘yung sketch. Ang galing mo!”

“Ginandahan ko talaga ‘yung iyo. Maski rag clothes mo ginandahan ko.”

Hindi naman costume designer si Je pero nasiyahan siyang gawin ang mga damit ng actors. To be fair, naging patas siya sa paggawa ng drawing sa lahat ng artista pati kay Charlotte. Pati headdress at accessories nila, ineffort-an niya.

Nagpipintura si Je nang kumustahin ni Dana si Miko. She wondered first to whom did she know it tapos naalala niya si Wilson, malamang napagkwentuhan na nila.

“Ayos naman na 'yung kumag na 'yun. Nakakakilos na. Pero absent pa rin kanina.”
        
       
The next day after class, dinalaw ni Je si Miko sa kwarto nito para ibigay ang assignments nila para sa susunod na araw. Sa hitsura palang ni Miko, alam na niya na hindi ito bumangon buong araw. Pati suot na damit ay gano‘n pa rin.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now