45

4.3K 102 6
                                    

Chapter 45

Chapter 45

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MIKO:

Happy first day of simbang gabi :)))
        
      
Ito ang bati ni Miko kay Je sa text kaninang umaga. Napailing-iling ang ulo niya nang mabasa ito pero may isang ngiting naglalaro sa labi niya na hindi na rin siyang nahiyang itago.

Wala naman siya rito. Hindi naman makikita ni Miko na napapangiti niya si Je ng mag-isa habang nakatulala.

Yes, it's been two weeks since the horror house incident. Ang bilis ng panahon dahil siyam na araw na lang ay magpapasko na.

Wala ring nagbago kay Miko, nalimutan agad ang pag-atake ng phobia nung nakaraan lang. Kung tutuusin ay mas umigting pa ang kakapalan ng mukha nito pagdating kay Je.

They meet regularly. And regular means..... almost everyday. Minsan magugulat na lang si Je na nandun siya sa gate at naghihintay ng walang pasabing pupunta.
            
           
Ngayon naman naglalakad na si Je palabas ng classroom nang harangin siya ni Clint, lalaking classmate niya na laging may suot na beanie at may bitbit na gitara. Well, he's a tall, cute guy na may plus pogi points dahil isang bokalista ng banda.

“Hihintayin kita mamaya, ah,” sabi nito habang nakangiti sakanya.

Kumunot ang noo ni Je. Anong meron mamaya? Anong meron mamaya? Her mind rushed to remember what's supposed to happen later. May event ba mamaya? May career talk ba si Mrs. Atienza sa audi? May meeting ba ang org?

Wala siyang matandaan.

Pero bago pa niya tanungin kung tungkol saan ang sinasabi niya ay biglang sumulpot si Camilla at umakbay kay Je. “Oo naman, pupunta kami mamaya!”

Clint smiled. “Great. See you, Jersey.”

“Anong meron mamaya, Camilla?” tanong niya pagkaalis ni Clint.

Umirap ang kaklase. “May gig sila sa Bay Square! Jusko, Jersey, last month ka pa niya niyaya don!”

Shoot. Oo nga pala. Ngayon lang naalala ni Je na niyaya nga pala siya nito sa isang gig. Nakalimutan agad ni Jersey dahil... wala siyang planong pumunta.

Well.... si Clint ay isang.... sabihin na nating manliligaw. Hindi alam ni Je kung gano’n ba ang ituturing ni Je sakanya dahil hindi naman siya tinanong nito ng pormal, basta na lang nalaman ni Je na nanliligaw na pala ito.

Wow, ‘di ako informed.

Ilang buwan nang nagpapapansin si Clint sakanya at ilang gigs na rin ang inindian niya. Ano naman kung idagdag niya ‘to sa listahan ng in-indian niya, no?

Pero ang higpit ng hawak ni Camilla sa braso niya ay parang may kasamang pagbabanta. “Parang awa mo na, Jersey, siputin mo na ‘to, ah!”

She groaned. “Katamad.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now