36

4K 89 2
                                    

Chapter 36

8 MONTHS LATER

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

8 MONTHS LATER

NAGING tambayan nga nila Dana ang Coffee and Muffins gawa ng katahimikan ng lugar na ito. Nakaupo siya ngayon sa upuan na lagi nilang pinupwestuhan habang nakaharap sakanyang laptop.

She was so focus on her research that she didn't notice Wilson's arrival and sat on the opposite chair. Naging meeting place na rin kasi nila ito pero ngayong araw ay nauna lang ng isang oras si Dana gawa ng nira-rush niyang research para sa midterms.

“Busy?” Nung nagsalita si Wilson ay doon niya lang napansin ang pagdating nito.

She tilt her head to the side. “Uy, nandiyan ka na pala.”

Inusog ni Wilson ang laptop niya para masilip ang ginagawa nito. “Ano ‘yan?”

“Research. Ikaw may gagawin ka?”

“Wala. Tinapos ko na.”

Dana chewed the insides of her cheeks then groaned. “Ikaw na ang hindi nagc-cram. Hindi kasi ako makapagfocus sa dorm. Ang ingay ng roommates ko.”

Simula nang magcollege ay lumipat sa dorm si Dana. Ganon din si Wilson. Their dormitories are just a few blocks away from this coffee shop so this café is really the perfect place for them.

“Lumipat ka kaya ng room?” suhestiyon ni Wilson na siyang agad na umiling si Dana.

“Ang sama naman ng dating sakanila nun. Parang sinasabi ko na hindi sila magandang kasama sa kwarto.”

At saka hindi afford ni Dana ang tumira ng mag-isa sa dorm. Malaki ang bayarin.

“Ayos lang din naman,” sabi niya. “Mababait sila.”

Even though her roommates don't share the same passion in studying as Dana, they're kind. Kaya madalas ay nag-aaral na lang siya sa library o dito sa café para tahimik.

“May matutulong ba ako?” tanong niya pero umiling lang ulit si Dana para tumanggi. “Patapos na ako sa part na ‘to, wait.”

Matapos ang limang minuto, natapos ni Dana ang chapter na tinatrabaho niya kaya pinatay na niya ang laptop para harapin si Wilson. “Kumusta sa student council?”

He shrugged. “Ask about anything else.”

“Okay. Kumusta ‘yung junior business student na nagpapapansin sa‘yo?”

“Ayos naman sa student council.”

Tumawa si Dana. “Ayaw mo talagang pag-usapan ‘yung mga babaeng nagkaka-crush sa‘yo, ‘no?”

“Wala naman akong sasabihin tungkol sakanila.”

Admission test palang napansin na ni Dana na ang dami nang sumisipat kay Wilson sa classroom na pinag-exam-an nila. Typical girls who looks for cute guys sa entrance exam para pagdating ng orientation ay lalapitan at kakaibiganin.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now