10

5.6K 86 8
                                    

Chapter 10

HINDI sinunod ni Miko ang pagbabanta ni Je na huwag gamitin sa meet up ng kachat niyang si @MissEngineering ang bagong sapatos na bigay ni Tita Anna

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI sinunod ni Miko ang pagbabanta ni Je na huwag gamitin sa meet up ng kachat niyang si @MissEngineering ang bagong sapatos na bigay ni Tita Anna. Bagkos ay ito ang gamit niyang pangmalakasan ngayong araw.

Pinaghandaan talaga ni Miko ang araw na ‘to para magmukhang college student ang datingan. He's wearing a checkered polo with an Iron-man shirt inside plus jeans.

Nasa Garden's Square siya ngayon kasama sina Anjo at Lawrence na parehas na naiinggit sa sapatos niya. Miko's flexing it even more to get their attention.

“Pwede ba pumarasite sa mama ni Boss Je?” tanong ni Anjo. “Ang angas ng sapatos mo, t‘yong!”

“This is worth 12 years of friendship, t‘yong. Abutin mo muna ‘yon.”

“Paano kaya kung syotain mo si Je? Baka ispoil ka na ng mama niya hindi lang sa sapatos.”

Siniko niya si Lawrence. “Huy! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!”

Anjo and Lawrence exchange looks.

“Ime-meet na nga natin magiging future girlfriend ko, eh.”

“Ano raw ba suot, Miko?” tanong ni Anjo.

“Dress na red.”

“May dala bang maleta?”

Tumawa sila.

“Paano kung ginamit lang ‘yung picture tapos pangit pala?”

“Edi si Lawrence nang bahala.” Inakbayan siya ni Miko. “Sabi ko may salamin ako, eh.”

Hinubad bigla ni Lawrence ang salamin. “Tyong, naman!”

“Sige na!”

“Hindi mo ba mukha ang nilagay mo don?” tanong ni Anjo.

“Mata ko lang para mysterious.”

Naghintay sila sa upuan sa sulok ng Garden's Place. Sa may lamesa na may color orange na fake tulips.

Ilang babaeng naka-red ang dumaan na parang may hinahanap. May babaeng mahaba ang baba. Tinanggal agad ni Lawrence ang salamin tapos sumipol at tumingin sa malayo.

They sighed with relief when the girl sat down with the other table.

Then Brenda, their classmate, came with her long ponytail and red blouse.

For a minute, kinabahan si Miko na baka siya ang naloko. Pero kumaway lang ito sakanila tapos umupo with her group of friends sa ibang table.

“Nakakakaba naman ‘to, Miko!” sabi ni Lawrence. “Ayaw ko na—”

“T‘yong, teka.”

May isang magandang babae, maputi, at nakapulang dress ang pumasok. Her eyes are roaming around the place until it landed on their table. She's smiling as she walks toward them.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now