54

3.5K 98 10
                                    

Chapter 54

Graduation Day.

AFTER going up the stage, Dana sat back down again with other Laude honors which is on the front row separated from the other graduates

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AFTER going up the stage, Dana sat back down again with other Laude honors which is on the front row separated from the other graduates. Katabi nila ang section nina Wilson at sila na ang kasalukuyang tinatawag sa stage.

She waited for his name to be called.

"Macaspac, Wilson, Magna Cum Laude."

Tinulak si Dana ng pabiro ng mga ka-block niya kung saan ngumiti lang siya na may halong hiya.

May narinig pa siya banda sa taas na sumigaw ng "Tropa namin 'yan!" na kung hindi siya nagkakamali ay parang boses ni Anjo. Nandon ang buong tropa habang nanunuod.

Nang tumigil si Wilson sa gitna ng stage, hindi siya nakatingin sa camera para magpapicture. Bagkos ay nakatitig siya sa mga mata ni Dana.

Ngumiti siya sa boyfriend niya and mouthed, "Love you!"

Sa pagbaba ng stage, madadaanan nila ang Laude honors ng IS department kung saan nakaupo si Dana. Pinapanuod niya si Wilson sa pagbaba nito hanggang sa unti-unting paglapit sa kinauupuan niya.

She wanted to hug him right there but she have to resist the urge and do it after the ceremony. Pero si Wilson yata ang hindi nakayanan ang pagpipigil.

Tumigil siya sa upuan ni Dana at lumuhod. "Congrats," bati niya.

"Mas mataas GWA mo. Mas congrats sa'yo," pabirong sagot niya tapos pinapagayak na si Wilson para sumunod sa pila ng BSEco students.

"Hindi naman ako nakaupo kasama nila. Ayos lang."

Tumawa si Dana ng bahagya. "So nagyayabang ka na, ha? Baka pagalitan tayo ni Miss Catalina. Tumayo ka na."

But he didn't. "I may not looked like it," he said lowly. "But I'm kneeling on one knee."

"Ha?"

Hindi gets ni Dana ang ibig niyang sabihin pero biglang suminghap ang katabi niya at sumigaw ng, "Oh my God!"

Dahil tuloy ron, nakuha ang atensyon ng ibang tao sa block niya at napasilip sakanila. Teka... hindi pa rin gets ni Dana.

Bakit suminghap ang katabi niya at bakit nagbubulungan na ang mga tao sa paligid nila? Hindi niya naman maintindihan ang mga sinasabi nila dahil naghahalu-halo sa tenga ni Dana ang ingay ng ceremony at ng background music.

"Dana," her boyfriend called.

Bumalik ang tingin niya kay Wilson na siyang may kinukuha mula sa bulsa ng slacks niya. Ginilid nito ang togang itim kaya malinaw niyang nakita na nakaluhod nga si Wilson sa isang tuhod. Hindi na makapagproseso ang utak ni Dana lalo na't nangingibabaw sa tenga niya ang sigaw ng mga katabi.

Gets na nila kung anong plano ni Wilson, pero heto si Dana, hindi sigurado kung nagtutugma ba ang mga iniisip nila.

May nilabas siyang maliit na kahon at binuksan, may isang singsing na nandoon. This time, she gasped already.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now