14

5.6K 101 14
                                    

Chapter 14

NANG-ISTORBO na naman ang tropa sa bahay ni Wilson

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG-ISTORBO na naman ang tropa sa bahay ni Wilson. Natuloy kasi ang suspension na hinihiling ni Lawrence ngunit sadyang mapaglaro ang bagyo dahil saka naman umaraw.

Kaya in-enjoy na lang ng tropa para mambulabog. Kahit na ayaw ng ingay ni Wilson, hindi naman niya mapipigilan kung sila na mismo ang kumakatok sa bahay nila.

"Bakit dito pa kayo pumunta?" kuno-noong tanong ni Wilson.

"Sawa na kami sa bahay nila Lawrence," sagot ni Anjo. "Saka hindi ka sasama."

"Buti alam niyo."

"Kaya nga ikaw na ang pinuntahan namin," ika ni Miko habang nakaupo at nakapatong ang paa sa lamesa.

Pinalo niya ang paa nito para ibaba ngunit hindi naman sinunod si Miko. "At ikaw," tawag ni Wilson sakanya. "Akala ko ba sinamahan mo si Je mamili ng props kahapon? Bakit mag-isa lang siya?"

"Sinama ako ni Michelle sa hangout ng classmates niya. Ang co-cool nga nila, eh. At saka tinawagan ko si Je, sabi niya wala raw. Akala ko hindi na siya bumili? At saka para pala sa play 'yung mga binili niya?"

Wilson looked at her disappointingly. "Apat na mabibigat na bag ang pinamili niya. Buti na lang kasama niya si Andrei."

That's what made him move down his feet from the table to sit upright. "'Yung mayabang na alumni??"

"Singular. Alumnus," Wilson corrected.

"Ikaw lang nagsasabing mayabang 'yun," ika ni Lawrence.

"Mayabang naman talaga!"

Lawrence, Anjo, and Wilson shook their heads.

"Anyway," sabi ni Miko para magmove on sa topic. "Maganda 'yung Cinderella, ah. Niligawan 'yun ni Hanz last year, diba?"

Ah, si Dana? After knowing that he got the Prince Charming role, napag-isip-isip ni Wilson na okay ring gawin ang play. He has a reason though. Since siya rin naman ang gusto ni Miss Diana para gawin ito, might as well patulan na.

Kahit na pinangitan na niya ang audition, hindi niya maloloko si Miss Diana. Sa lahat ng auditionees, siya lang ang sigurado si ma'am na perfect ang accent at hindi mags-stutter.

Wilson opened a book and read it level to his face. "Who cares," he said.

"Asus. Ayaw pa aminin na type niya."

Umirap siya pero hindi nakita ng tatlo. "Mag-aral kaya kayo? Malapit na third periodical test."

Nagtinginan ang tatlo at sabay-sabay na binalik ang atensyon sa pinagkakabalahan. Binalik ni Lawrence ang headphones sa tenga sabay tutok sa DS niya. Habang sina Anjo at Miko ay nakipagtext muli sa mga girlfriend nila.

Wilson rolled his eyes again. "As usual."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon