12

5.6K 115 2
                                    

Chapter 12

KINABUKASAN, kinumbinsi ni Je si Dana na mag-audition para sa role ng Cinderella

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

KINABUKASAN, kinumbinsi ni Je si Dana na mag-audition para sa role ng Cinderella. Apparently, they're already aware of the announcement.

“Bakit gustung-gusto mo akong mag-audition? May problema ba sa Rizal?”

Pinaliwanag ni Je ang nasa isip niya. “I have two facts: one, si Charlotte ang president ng English club. Two, dati niyang crush si Wilson.”

“Anong connect?”

“Sigurado ako na gagawin niya ang lahat para makuha ang role ni Cinderella at si Wilson bilang Prince Charming!”

“Diba si Ma'am Diana ang pipili?”

“Oo, pero tutulong din siya sa screening. Malay mo ibagsak niya lahat tapos itira niya sarili niya, diba?” Nung hindi sumagot si Dana, hinawakan siya ni Je sa braso para alugin. “Sige na, Dana. Sige naaaa.”

“Pero ikaw na nagsabi, president si Charlotte ng English club at may tiwala si Ma'am Diana sakanya so malamang magaling siya mag-English kaya malakas ang hatak niya para sa role.”

Hindi naman maitatanggi ni Je na totoo ‘yun. Minsan nang nagreport si Charlotte in fluent English sa klase at wala siyang na-pick up sa lesson. Ang malala pa, tinawag siya ni Charlotte para pasagutin ng tanong na malakas ang kutob ni Je na ginawa niya lang para pahiyain siya sa klase.

“Sure ako mas magaling kang mag-English kaysa sakanya,” she's still convincing her until Dana gave up and said she'll try.
      
     
FRIDAY came, ginawa ang auditions sa klase ng Rizal during English time kaya nagmistulan show kina Je na hindi magpaparticipate ang auditions. Maraming seniors ang pumunta sa classroom nila ang nagpalista kay Charlotte para sa audition.

Nakagilid ang mga upuan sa kada pader ng kwarto para may space sa gitna katulad ng ginagawa nila kapag Christmas party.

Sina Anjo, Lawrence, and Miko ay pinapagaan ang loob ni Wilson para sa audition nito pero may kasamang pang-aasar.

“Oh, Romeo, oh, Romeo!” Anjo recited with his hand on Wilson's cheeks.

Binatukan naman siya ni Lawrence. “Hindi ‘yan ang piece, tanga.”

Miko leaned in. “Hindi naman kita nakitang nagregister kay Charlotte. Bakit kasali ka?”

“Pinilit lang ako. Nagulat nga ako nandon na pangalan ko.”

“Type ka pa rin niyan, t‘yong!” Siniko siya ni Anjo. “Paano kapag kayo partner?”

Wilson groaned at that. “Papangitan ko audition ko.”

Je leaned in too. “Eh, pa‘no kung may ibang Cinderella?”

The guys looked at her puzzled. Kahit sila ay naniniwalang sa isang tao lang mapupunta ang role ni Cinderella pero malakas ang kutob ni Je na pupunta ngayon si Dana para mag-audition.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now