25

4.6K 123 15
                                    

Chapter 25

AFTER that conversation with Andrei last night, biglang naisip ni Je na sukatin ang mga dress na nakatambak lang sa cabinet niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AFTER that conversation with Andrei last night, biglang naisip ni Je na sukatin ang mga dress na nakatambak lang sa cabinet niya. Mas lalo kasing lumakas ang loob niya sa sinabi ni Andrei na worth it ang SMU. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nabuhaya siyang muli ng loob para mangarap.

Ngayon, nakatayo si Je sa tapat ng salamin, tinitingnan ang sarili sa bawat anggulo. Gustung-gusto niya pa kapag umiikot-ikot siya at lumilipad ang laylayan ng bestida.

She began imagining herself in these clothes while walking on the campus of SMU with Andrei.

Shet nakakakilig.

Kaso palaging may isang boses na e-echo sa likod ng tenga niya na nagsasabing, "UdEEEEEET~"

Doon masisira ang pagde-daydream niya. 'Yung tipong katulad sa mga palabas na nai-imagine mo ang sarili mo na may magandang suot, may pixie dusts sa paligid, mga paru-paro, at magandang musika — sabay may sound effect na mababasag na salamin. Ganon ang pagpapalagay ni Je.

Speaking, tumunog ang  salamin ng bintana ni Je. May naghagis ng maliit na bato na karaniwang nakikita sa aquarium at iisa lang ang taong pwede gumawa no'n.

"Boss Je! Boss Je!"

Hindi pa nakakalapit sa bintana ay naririnig na ni Je ang boses ni Miko na may halong pagmamadali. Tunog emergency, ano na naman kaya?

"Anoooo?!" iritadong sagot ni Je pagkabukas ng bintana.

When she saw Miko's face, it was in a kind of rush and then suddenly it changed into shock - more like surprise. His mouth was slightly open while looking at her.

Pagtingin ni Je sa sarili, suot pa pala niya ang bestida. Nakalipas ang ilang segundo, hindi pa rin sumasagot ang ugok. "Huy, bakit ba?"

Napakurap si Miko. "Wa-walang tubig sa'min."

Sabi na, eh.

"Makikitae ka? Bawal!" Then she closed her window with the curtains drawn.
       
       
Pero hindi naman niya na mapipigilan si Miko dahil basta-basta na lang itong pumasok sa bahay nila. Wala nang katok katok, dumiretso na agad ng banyo.

Tumambay si Je sa sala, nakapambahay na ulit. Makalipas ang ilang minuto ay bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Miko na may malalim na buntong hininga. "Haaaay, sarap."

Agad na napatakip ng ilong si Je. "Pucha! Anong kinain mo, Miko?!"

Hindi siya pinansin nito, basta lang siya umupo sa sofa, tinungtong ang paa sa lamesa at binuksan ang TV. Lumayo ng ilang pulgada si Je.

"Ang maho!!" sabi ni Je habang nakatakip sa ilong. "Imama mo nga maa mo!"

At siyempre si Miko ang kausap niya, a.k.a. pinakagamol na taong nakilala niya, mas lalo pa itong lumapit sakanya para ilagay siya sa isang malaking bear hug.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now