3

8.5K 169 2
                                    

Chapter 3

ISA SA mga bagay na ayaw ni Je sa highschool ay ang paggising ng maaga para pumila para sa flag ceremony

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ISA SA mga bagay na ayaw ni Je sa highschool ay ang paggising ng maaga para pumila para sa flag ceremony. Grabe pa ang kastriktuhan ng Manuela sa mga 4th year highschool kesyo sila raw ang ‘model’ sa mga nakababata.

Kalokohan. Wala silang makukuhang dapat tularan kay Je.

“Yuko!” hinila siya ni Miko sa manggas para payukuin pa. Muntik na kasi silang makita ni Ma'am Gutierrez na nagbabantay ng mga estudyante sa pila.

Ngayon, nakayukong naglalakad sina Je at Miko sa pagitan ng mga pila papunta sa section niya. Pinapatugtog palang ang NCR hymn tapos sunod ang himno ng Manuela. Kailangan nilang makaabot sa pila bago ang Lupang Hinirang.

Luckily, Hanz, from their section, helped them to get on the line without the teachers notice. “Dali, dito!”

Pumila sila sa likod ni Hanz tapos sumabay sa himno na parang kanina pa sila nandoon.

“NCR! NCR! Dangal nitong bayan!” buong pusong kanta nina Je at Miko.

Pagkatapos ng flag ceremony, isa-isang umapir kay Je ang mga kaklase niyang lalaki. “Boss Je!” bati nito sakanya.

“Yo, mga t‘yong!” she greeted back, saluting at them.
    
Natural na malapit si Je sa mga kaklase niyang lalaki. Sa katunayan marami pa siyang kaibigan na lalaki kaysa babae. Isang beses inasar na siya ni Anjo tungkol dito.

Alam naman ni Je ang sagot. Hindi siya kumportable makipagkaibigan sa mga babae dahil hindi naman siya umaasta katulad nila. Hindi siya makasabay.

Mabuti pa kila Miko, kahit pagba-basketball nasasabayan niya.
    
    
Katulad kahapon, hindi sila masyadong nakapagklase dahil hindi pa tapos ang promotion ng mga university. Pumasok sa classroom nila ang mga taga-Unibersidad de Eranio Trinidad (UdET), isang public school na base sa atensyon na binibigay ni Miko ay interesadong-interesado siya.

Siniko siya ni Je. “Gusto mo diyan?”

“Naengganyo ako sa varsity nila.” Nilapit niya pa ang ulo kay Je para bumulong. “Lagi silang pasok sa finals ng inter-university games.”

Tumango si Je. “Sa bagay.”

“Ikaw?” tanong niya.

“Anong ako?”

“Ayaw mo diyan?”

Je shrugged. “Walang archi students sakanila.”

“Panigurado meron ‘yan. Wala lang sumama.”

She shrugged again. “Bahala na.”

“‘Yung univ kahapon, malapit lang sa UdET,” sabi ni Miko habang nakatingin sakanya. “‘Yung nilait mo.”

“Baka banned na ako ron, no!”

“‘Yun lang ang malapit sa UdET.”

“Ano naman kung pumili ako ng malayo sa UdET?”
         
        
After UdET's promotion, nagbigay sila ng flyer sa klase kung saan nakita ni Je na maingat itong inipit ni Miko sa notebook niya.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now