2

10.9K 190 2
                                    

Chapter 2

ISANG sabado, pinuntahan ni Je ang papa sa opisina para hatiran ng tanghalian

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ISANG sabado, pinuntahan ni Je ang papa sa opisina para hatiran ng tanghalian. Nagluto kasi ang mama ni Miko at binibigyan sila ng share. Even if Je was supposed to know how to cook, she didn't learn. Lalo pa ang papa niya na madalas nasa opisina o sa site.

Nakarating siya sa office nito kung saan sa pinto ay may nakasabit na pangalan niya: Engr. Jeremiah Bautista.

There were used to have two titles hanging there, her mother's name as the in-house architect. But since she moved out, mag-isa na lang ang papa niya.

Pagpasok ni Je naabutan niya ang papa na nakatungkod ang siko sa lamesa habang nakahawak ang kamay sa noo. Ngunit nang malaman ang pagdating ng anak, agad itong tumayo at ngumiti.

“Hi, Pa. Lunch?”

Sinaluhan ni Je ng tanghalian ang ama at nagkwentuhan din sila tungkol sa current project nito.

“Kapag naging archi na ako,” sabi ni Je. “Gusto ko pangalan ko na ‘yung nakasabit sa labas, ah.”

“Pumasok ka sa malalaking kumpanya. Bakit ka magtiya-tiyaga rito?”

“Eh, kasi nandito ka?”

Napangiti si Engr. Bautista sa sinabi ng anak. “Oh, sige. Aayusin ko ‘tong opisina na’tin.”
    
    
KUNG saan man nakuha ni Je ang pag-aastang lalaki, malamang ang isang factor ay ang pagsama niya sa papa niya noon sa construction site nung bata pa siya.

Kahit na pinagbabawalan ng nanay dahil delikado, sige pa rin si Engr. Bautista sa pagbitbit kay Je sa safe area ng site. Hinahayaan niya pang magsuot si Je ng helmet sa ulo kahit na masyado itong malaki at nasasakop hanggang mata niya.

Since a child, she saw her parents working together side by side. Nakikita ni Je ang magulang na parehas na may suot na helmet habang nakatingin sa blue print, pinag-uusapan ang kalagayan ng construction.

It was cool for her. And discovering that she inherited the talent in arts, she dreams of becoming an architect just like her mom too.

She was inspired by her mom’s designs. Ngayon palang ay nag-eensayo na siya sa paggawa ng plates. Kapag may assignment sila na drawing, sakanya nagpapagawa ‘yung apat.

Then Je rode her bike home. Thinking where the time went. August na at nandito na sila sa punto kung saan madalas silang makarinig ng mga tanong na, “anong kukunin mong course?”

Sigurado naman na si Je sa gusto niyang kuhaing kurso. Ang problema niya lang ay kung saang school siya papasok. Hindi na kailangang mamroblema ng mga taong katulad niya dahil pagdating ng lunes, may bibisitang mga outsiders sa MNHS para magpromote ng university at college sa mga graduating.

“Course one,” loko-lokong sagot ni Lawrence.

Hinampas siya ni Anjo ng notebook. “‘Yan, puro kagaguhan ang nasa utak.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now