16

5.5K 108 9
                                    

Chapter 16

PUNO ng glitters at pintura ang mukha ni Je dahil sa paggawa ng stage props

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

PUNO ng glitters at pintura ang mukha ni Je dahil sa paggawa ng stage props. She was focus in painting the castle when she heard a sudden noise at her back.

Sino naman kaya ang dumating para mag-ingay sila ng gano‘n?

“Busy?”

Tumingala si Je para tingnan ang taong nagsalita at napatayo ng wala sa oras nang makita si Andrei. Pagkatayo niya, napaatras siya at hindi napansin ang mga materyales na nasa lapag kaya napatid siya rito. She's about to fall backwards but Andrei was fast enough to catch her hand.

“Careful!” He said while holding his hand.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Je. Dahil siguro sa dalawang bagay: una, mapapahiya siya kapag natumba siya sa mga materyales na nakaharang na ito; at pangalawa ay ang body contact nilang dalawa ni Andrei.

He let go of her when she's already standing on her feet. “A-andrei, napadalaw ka?”

“Bumisita lang.”

“Wala ka nang klase?”

Umiling siya. “Wala na.”

“Boss Je!” Lumingon si Je sa pagtawag sakanya ni Angie na kasama niya sa Team Arts. “Kain muna tara!”

Nako naman, Angie. Sa lahat ng pagkakataon na tatawagin niyang Boss si Je, ngayon pa kung kailan nandito si Andrei? Hindi nakaka-girl!

“Boss Je?” he asked half laughing.

“Uy, hindi ko sila binubully dito sa team kaya ‘yun ang tawag nila sa‘kin, ah.”

“Bakit boss tawag nila sa‘yo?”

She shrugged. “Nakasanayan lang.”

Pumunta sila sa team kung saan sila naka-indian sit sa sahig paikot habang pinaghahatian ang pizza na dala ni Andrei.

“Thank you, Kuya Andrei, ah,” sabi ni Angie habang puno ng pagkain ang bibig. “Gutom na rin kami, eh.”

“Walang anuman. Nasa area lang kasi ako kaya naisipan ko kayong daanan. Halatang busy kayo.” Tiningnan niya si Je na nasa tabi niya. “Si Jersey punung-puno ng pintura.”

Biglang namula si Je dahil mas malala pa pala ang hitsura niya ngayon kumpara last time sa mall. Kung ang haggard niya no'n, mukha siyang BASAHAN ngayon.

Nagtawanan sila Angie. “Ganito talaga kami rito. Pero masaya naman.”

“Ang gaganda nga ng designs ninyo. Mas maganda pa kesa sa'min last year. Good job.”

“Asus, binola pa kami ni Kuya Andrei. Bakit pala dito kayo tumambay at hindi sa kabila?”

“Istorbo raw ako sabi ni Miss Diana. Hindi makapagconcentrate ang actors.”

More Than This (Wattys2019 Winner)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें