42

4.4K 90 10
                                    

Chapter 42

ISANG buwan na ang nakararaan simula nang tanggapin ni Je ang sorry ni Miko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ISANG buwan na ang nakararaan simula nang tanggapin ni Je ang sorry ni Miko. Pinanindigan ni Miko ang pangakong babawi sakanya. So far, they're slowly gaining back the friendship they've missed.

Palabas na si Je ng campus nang tawagin siya ni Camila. “Jersey! Wala ka nang klase?”

Umiling siya. “Bakit?”

“Ayos! Billiards tayo!”

Gusto sana ni Je sumama sa blockmates niya kaso may nauna sa free time niya ngayon. “Aww. May lakad na ako, eh.”

Kumunot ang noo ni Camila sa biglaang pagkakaron niya ng lakad. “Parang ngayon ka lang tumanggi sa gala ko?” Then she scoot closer to Je while squinting her eyes and she nudge her intriguingly. “Date ba ‘yan?”

Muntik na siyang masuka pagkasabi niya non. “Eww! Hindi, ah!”

“Asus. Kaya pala bihis na bihis, ghorl?”

Oo nga. Bakit ba nagdress ngayon si Je? Ordinaryong wash day lang naman ito pero bakit ito ang nahugot niya sa aparador niya? “Nawawala lang wash day shirt ko!” palusot niya pero halatang hindi nakumbinsi si Camila.

Nang-asar pa ito bago tuluyang umalis.

Tiningnan ulit ni Je ang sarili. Mukha ba siyang nag-ayos sa araw na ‘to? Hindi naman enggrande ang suot niya, ah? Hindi naman mukhang OA sa isang araw na gala kasama si Miko.

“Oo nga. Bihis na bihis, ghorl?”

“Ay, pusa!” napahawak si Je sa dibdib sa biglang pagsulpot ni Miko sa likod niya. “Paano ka nakapasok? Bawal taga-UdET dito!”

“Wala, eh. Pinapasok ako.”

Miko's smiling annoyingly and she doesn't like it.

“Uwi muna ako,” sabi ni Je. Ayaw niya nang hitsura ni Miko ngayon. Feeling yata nito nag-ayos siya para sakanya. “Magpapalit ako.”

“‘Wag na! Angas na nga ng suot mo, eh.”

“Ayoko. Ayoko ng mukha mo.”

“Anong meron sa mukha ko?” tanong ni Miko habang pinipigilan ang ngiti niya. “May nakakaasar ba sa hitsura ko?”

Ayan! Ayang mismong hitsura na ‘yan ang kinakaasar ni Je.

Wala siyang nagawa dahil hinila na siya ni Miko palabas ng campus. Ang nakakagulat pa, may dalang bike si Miko at dalawang helmet. That explains his jacket.

“‘Wag mo sabihing nagbike ka papunta rito simula sainyo?”

“Oh, pinapakita mo na agad na concern ka.”

Tinuro ni Je ang sarili. “Ha, ako concern? Pake ko kung mabangga ka?”
       
      
Sinakay siya ni Miko sa harap ng bike. Sadly, no hair smelling today because of the helmet. Dapat lang din, isip ni Je. Hindi pa nage-gain ni Miko ang privilege para maamoy ang buhok niya. Isang buwan palang siyang bumabawi.

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon