8

5.5K 100 2
                                    

Chapter 8

THE OPLAN: gawing babae si Jersey Bautista started but first, she needs to raise her grades

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE OPLAN: gawing babae si Jersey Bautista started but first, she needs to raise her grades. Kahit na hindi niya ugaling mag-aral the night before quiz, ginawa niya.

“Get a half sheet of paper,” sabi ng teacher.

Sa mga ganitong pagkakataon, sisiguraduhin nilang apat na nasa abot-tanaw nila si Wilson. Pero matapang na humiwalay si Je sakanila.

She wants to do it herself.

But she doesn't know why Miko sat beside her. Nang lilipat siya sa tabi nila Wilson, hindi na pumayag ang teacher kaya heto siya ngayon, hindi mapakali sa kakakuyakoy.

“Bakit ba ako umupo rito?” tanong niya.

“Aba, malay ko sa'yo?”

“Number 1,” umpisa ng teacher at dinictate ang questions para sa enumeration part.

Surprisingly, alam ni Je ang sagot from 1 to 10. Confident niyang isinulat ang naaalala sa ni-review. Buti may awa pa si ma'am para easy-han ang first part. Gano‘n siya magpa-quiz. Madali sa umpisa. Duguan sa dulo.

“Pst.” Naramdaman niya na lang ang pagsiko ni Miko. “Pakopya.”

Je let her paper open kahit na sinabi ng teacher na takpan. Sa harap nila kung nasaan sila Lawrence, may mga sagot din sila na galing kay Wilson.

“Sigurado ka ba diyan, Je?” tanong niya. “Kanino mo kinopya?”

Pambihira. Siya nang nangongopya, siya pa may trust issues. “Aba. Bahala ka.”

Binaligtad na ni Je ang papel para sa computation sa likod. Dahil wala tiwala si Miko sa mga sagot ni Je, sinipa niya na lang ang upuan ni Anjo at inulit ang, “pakopya.”

Hindi alam ni Je kung nakakopya ba siya kasi nagfocus siya sa computation. Siya na ‘tong tinutulungan nag-iinarte pa. Bahala siya diyan.

Five minutes later, pinapasa na ng teacher ang mga papel para check-an. Pagkatapos magcheck, tinawag ni Ma'am ang score mula sa perfect para i-rank ang papel from highest to lowest. Hindi na nakakapagtaka nang maipasa agad ang papel ni Wilson na 50 over 50.

Pati ang klase walang karea-reaksyon. Bakit ka ba magugulat sa bagay madalas mangyari?

Kinalabit muli ni Miko si Anjo. “May sagot ka lahat?”

“Sa enumeration at multiple choice. Sa computation, formula lang sinulat ko.” Tapos tumawa ito. “Baka maka-30 pa ako kahit papano.”

Je glanced at Miko's sweaty forehead. Kung hindi siya nagkakamali, nag-mini my nemo lang si Miko sa A, B, C, D.

“Thirty-five.” Lumapit ang mga kaklase ni Je na may score na thirty-five. “Jersey Ann Bautista.”

Lawrence, Anjo, and Miko gasped altogether. Tiningnan nilang lahat si Je. Maski siya ay nanlaki ang mata sa score na nakuha. Iyon ang bihirang mangyari kaya nakakagulat.

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon