27

4.2K 99 13
                                    

Chapter 27

NANG tumigil sa pagtakbo sina Je at Miko, nagbitaw agad ang dalawa ng kamay matapos ma-realize na hindi pa pala sila bati

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANG tumigil sa pagtakbo sina Je at Miko, nagbitaw agad ang dalawa ng kamay matapos ma-realize na hindi pa pala sila bati. Nakahabol rin sina Anjo, Wilson, at Lawrence maya-maya. At parang mga asong humahapo sa hingal ang lima.

“I-ikaw, Lawrence,” tawag ni Anjo sa pagitan ng paghingal. “Magpaliwanag ka nga bakit ka hinahabol ng mga ‘yun ah?”

Pinaliwanag ni Lawrence ang nangyari. “May bago kasing laro sa PS4. Humingi ako kay daddy pero hindi ako binigyan ng pera. Eh, gustung-gusto ko talaga bilhin ‘yong bala na available pa lang sa Japan. Kaya ayon, kinuha ko sa kwarto ng kuya ko ‘yung roller blades niya at binenta don kay Damulag.”

Hindi pala alam ni Lawrence na malapit na pa lang masira ‘yung roller blades dahil isang gamit lang daw ni Damulag ay bumigay na. Kaya ngayon ay hinahabol siya nito para bawiin ang pera ngunit naka-order na si Lawrence ng larong tinutukoy niya.

Nagbuntong hininga si Anjo. Sa lahat siya ang pinakapagod dahil hirap na hirap siyang sabayan ang apat sa pagtakbo.

“Thank you, Boss Je,” sabi ni Lawrence. “Kung hindi dahil sa‘yo baka na kay Damulag na ‘tong headphones ko.”

Dahil sa kahingalan, hindi na nakapagsalita si Je kaya tumango na lang siya. Alam kasi niya kung gaano ka-precious ang headphones na ‘yon kay Lawrence. It's his mom’s last birthday gift to him before she died. Kaya willing siyang ibigay ang relo niya huwag lang ito.

“Paano ‘yan nasira ang salamin mo?” tanong ni Anjo tapos tinaas ang dalawang daliri. “Ilan ‘to?”

Tumawa silang lima. “Gago, hindi ako bulag.”
       
       
As usual, dumaan ang tatlo sa ibang direksyon na salungat nila Je at Miko. Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad, walang naglalakas loob na maunang magsalita.

Pero nararamdaman ni Je na kanina pa siya tinitingnan ni Miko marahil siguro sa sugat sa cheekbones niya.

Gumagawa na siya ng palusot na sasabihin sa papa niya kapag napansin ito. Ano ba magandang palusot? Kunwari na lang nahulog siya sa bike niya.

Speaking. “Oo nga pala!”

“Bakit?” tanong ni Miko.

Sinapo niya ang sariling noo. “Dala ko ‘yung bike ko kanina. Nalimutan ko don sa tapat ng computer shop!”

He grabbed her hand. “Tara balikan natin.”

Akala ni Je hindi siya seryoso pero totoong nilakad nila pabalik ang computer shop sa Manuela. Mabuti na lang ay nandon pa rin ito sa kung saan niya iniwan.

“Walang nag-interes,” pabirong sabi ni Miko bago sumakay. “Tara.”

Dahil may upuan sa likod ang bisekleta ni Je, doon dapat siya uupo pero pinigilan siya ni Miko. “Dito ka sa harap.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon