26

4.4K 101 10
                                    

Chapter 26

GANITO na ang seating arrangement ng lima kinabukasan:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

GANITO na ang seating arrangement ng lima kinabukasan:

Je - Anjo - Lawrence - Wilson - Miko

Ilang araw na hindi nagpansinan ang dalawa. Walang nagsasalita at hindi alam ng tatlo kung anong nangyari. Nagulat na lamang sina Anjo nang biglang agawin ni Miko ang dating upuan ni Wilson sa dulo ng row.

Nakabusangot, hindi umiimik, at padabog kung kumilos si Miko. Wilson tried to ask but a shrug was just his response.

Samantalang si Lawrence na nasa pinakagitna nila ay pabaling-baling lang ang tingin sa dalawang pinaka-close sa grupo.

At si Anjo , siyempre, ay hindi pahuhuli. Ilang beses niyang siniko si Je para tanungin kung anong pinag-awayan nila ngunit pinatatahimik lang siya nito dahil nakikinig siya sa lecture.

Je was thankful that she has an excuse not to talk about it.


THIRD DAY since the fight, Miko, from the other end of the row, keeps on peering over to Je to see what she's doing. Tahimik lang ito habang tutok ang atensyon sa guro-ni hindi nagpapatinag sa panggugulo ni Anjo.

Gano'n siya kadesidido na makapasok sa South Mill? Hah. Okay, patigasan pala. Edi, hindi na ulit sisilip pa si Miko. Ayos lang, kaya niya namang patagalin pa ng ilang araw ang pagdededmahan nila.

"Kausapin mo na kasi," ang sabi ni Wilson sa gitna ng Science class. "Hindi 'yung palinga-linga ka para silipin kung anong ginagawa niya."

"Bakit hindi siya mauna?"

"Bakit hindi ikaw ang mauna?"

"Siya ang may atraso sa'kin."

"Kung wala kang ginawang mali, hindi patatagalin ni Je ang pag-iiwasan ninyo. Alam mo namang nagso-sorry 'yan agad kapag siya ang mali."

Tama si Wilson. Hindi nagtatagal ang away nilang dalawa katulad nito. Kahit na kung sakaling magtagal man, magtititigan na lang sila at tatawa at ang ibig sabihin non ay tapos na ang away.

Pero ngayon, mukhang wala sakanilang dalawa ang may planong magparaya.

Pero ngayon, mukhang wala sakanilang dalawa ang may planong magparaya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now