44

4.9K 110 13
                                    

Chapter 44

WALANG prof sa last subject ni Miko kaya naisip niyang puntahan na lang si Je sa SMU

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

WALANG prof sa last subject ni Miko kaya naisip niyang puntahan na lang si Je sa SMU. Niyaya siya ng mga kaklase maglaro pero mas gusto niyang puntahan at guluhin na lang si Je. Afterall, hindi pa rin siya tapos bumawi.

"Ah suuuuus," pang-aasar nila Anjo. "Miss mo lang, eh."

Well, totoo rin naman. It was three nights since the last time they saw each other kung saan dumalaw si Je sa bahay nila at tumambay sila sa bubong. Natawa rin siya sa sarili nung hinahanda niya ang bike niya para ihatid si Je.

Hindi pumasok sa isip ni Miko na pwede nga pala siyang umuwi sa bahay nila ni Engr. Jer. Which is also better dahil paggising na paggising niya ay hinagisan niya ng bato ang bintana ni Je katulad ng dati.

But to be honest, Miko really looked forward riding the bike with her. Basically he just wants to spend more time.

Ahhhhhh. Hindi maintindihan ni Miko ang sarili.

Ay hindi, gets niya. Gets niya kung saan lahat ito nanggagaling. Hindi lang siya makapaniwala na gano'n pala talaga.

Miko suddenly feels regretful that he did not appreciate the time before that he's able to see her everyday. Ngayon naghahabol siya sa bawat oras na nawala sakanila at pakiramdam niya hindi sumasapat ang mga oras na kaya nilang ibigay sa isa't isa.

He doesn't want to be greedy of her time. Kaya hangga't may pagkakataon na pwede siyang makita, susunggabin na ni Miko.

Nakilala niya ang isang kaklase ni Je na naglalakad palabas ng campus. Kung hindi siya nagkakamali, Camilla ang pangalan nito. Tinawag niya siya. "Kaklase mo si Boss Je, diba?"

Kumunot ang noo ni Camilla.

"I mean si Jersey."

"Ahhhhh!" Natawa si Camilla tapos pinalo si Miko sa balikat. "Oo, oo. Bakit?"

"May klase pa ba siya? Hindi nagrereply, eh."

"Ah, wala na. Pumunta siya sa part time job niya ngayon."

Tumango-tango si Miko. "Akala ko wala siyang pasok sa kapihan."

"Ay, hindi, hindi." Tumawa ulit si Camilla. "Hindi sa café. Sa Mga Mata sa Dilim."

Ano raw? Miko's forehead was creased and Camilla laughed again because of it. Ang kulit ng kaibigang 'to ni Je, laging tumatawa.

But she fill him in anyway. Nalaman ni Miko na may isa pa palang ine-extrahan si Je bukod sa café. "'Yung horror house diyan sa Quirino?"

"Nagpapart time si Je sa isang Horror house?" pag-uulit niya.

"Yep! Bilang live actor na kapre. Well, si Earl talaga 'yon eh kaso ayun absent, nagvolunteer na lang si Jersey."

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now