53

3.5K 88 21
                                    

Chapter 53

SAKTONG palabas pa lang ng NLEX ang tropa nang makatanggap ng tawag si Je mula sa Tita Dona niya

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

SAKTONG palabas pa lang ng NLEX ang tropa nang makatanggap ng tawag si Je mula sa Tita Dona niya.

“Sinugod sa ospital ang lola mo, Jersey.”

Agad niyang pinatigil ang ingay nina Anjo para mas maintindihan ang sinabi nito. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya namali ng dinig.

Nawala ang ngiti sa labi ni Je na dala niya simula pag-alis ng La Union. Napalitan ito ng bagabag at kaba sa maaaring kalagayan ng Lola Verna niya. Agad itong napansin ni Miko kaya inabot niya ang kamay ni Je para himasin.

“‘Wag ka mag-alala, bababa tayo sa ospital.”

Pero hindi yata pinahintulot ng traffic ‘yon dahil naabutan sila ng rush hour sa Edsa. Hindi na mapakali si Je kaya nagpababa na siya sa isang kanto para ico-commute niya na lang papuntang ospital.

“Jersey, sigurado ka ba?” tanong ni Dana.

“Oo. Okay lang ako. Magbu-book ako ng angkas para mabilis.”

“Iwan mo na ‘yung gamit mo. Dalhin mo lang wallet at phone mo para hindi hassle.”

Tumango si Je.

Nagpark sila sa isang tabi. Pagbaba niya, sumunod pa si Miko.

“Sama ako?” tanong nito.

“‘Wag na. Pagod ka, eh. Saka paano ‘yung van?”

“Ayos lang ako. Maiintindihan naman ‘yun ni Mama kapag ‘di ako nakauwi agad.”

Hinarap niya siya. “Hindi na talaga. Tatawagan na lang kita mamaya.”

She kissed him briefly then run to the pick up point of her ride.

PAGKARATING niya sa ospital ay mabuti na lang  nasalubong niya ang pinsang si Phil sa hallway kaya hindi na niya kailangang magtanong sa front desk kung nasaan ang kwarto ng lola niya

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

PAGKARATING niya sa ospital ay mabuti na lang  nasalubong niya ang pinsang si Phil sa hallway kaya hindi na niya kailangang magtanong sa front desk kung nasaan ang kwarto ng lola niya. Dinala siya agad nito roon.

Lola Verna was asleep when she came. Hinawakan niya agad ang kamay ng lola at hinimas.

“Ayaw pa magpasugod ng lola mo kanina kung hindi lang hinimatay,” kuwento ni Tita Dona. “As usual, ang tigas ng ulo.”

More Than This (Wattys2019 Winner)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن