24

4.5K 109 14
                                    

Chapter 24

TAPOS na ang play pero parang bato pa rin si Dana

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TAPOS na ang play pero parang bato pa rin si Dana. Nakapagpalit na siya sa sarili niyang damit ganun din ang ibang actors, nabura na rin ang make up niya at nakaladlad na lang ang buhok niya—meaning si Dana na lang ulit siya.

The same old Dana.

Hindi na siya si Cinderella na hinalikan sa pisngi ni Prince Charming kanina. Pero bakit hindi pa rin niya magawang ayusin ang sarili?

Dana, makinig ka, it was just an acting. ‘Wag kang papaapekto!

“Dana?”

She heard Wilson's voice calling her, she stood and join Hanz and his friends. She laughed with them.

Nice acting.
       
       
Nang masiguro niyang wala na si Wilson, napabuntong-hininga siya. Pero bigla ring may gumulat sakanya mula sa likuran. “Huli ka!”

Nailagay ni Dana ang kamay sa dibdib dahil kay Je.

“Kanina pa kita napapansin, para kay may tinataguan. An‘yare?”

Umiling siya. “Wala, wala, wala.”

“Easy! Okay na ang isang ‘wala’! Nahahalata ka, eh.” Je laughed. “Joke lang. By the way, congrats.”

Dana sighed again at naalala ang sakit ni Je. “Kumusta muscle pain?”

Inunat ni Je ang balikat na parang tine-testing kung gaano pa kalala ang sakit. “Hindi na gaano kasakit katulad kahapon. Naudlot lang ang paggaling kasi pina-extra pa ako.”

Naikuwento na ni Je kay Dana ang nangyari sakanya kahapon. Mula sa pag-indian ni Miko at pagdating ni Andrei.

“Natanong mo na kay Miko bakit hindi ka niya nasundo?”

Umiling siya. “‘Di bale na lang. Hindi rin naman ako umasa na dadating ang lalaking ‘yun.”
     
     
GUSTO pang ipagpatuloy ni Dana ang pag-iwas kay Wilson pero sinundo siya nito dahil pinatatawag ni Miss Diana ang buong cast and crew. Luckily, kasama si Je.

Dana clung to her arms as they walk. Wala tuloy nagawa si Wilson kundi hayaan sa pagitan nila si Je.

Wala namang sinabi si Miss Diana bukod sa pasasalamat at pagbati sa sipag, tiyaga, pagod, at pawis na binuhos ng mga estudyante niya. Dahil dito, automatic na 50 ang next periodical exam nila sa English.

The students cheered at that.

Pagkatapos ng huddle ni Miss Diana, handa na ulit umiwas si Dana pero nahuli ni Wilson ang kamay niya. Hinila siya nito at dinala sa pwestong malayo sa ingay.

“I know you're avoiding me,” he said.

Dana wanted to act normal so she laugh... awkwardly. “H-ha? ‘Di, ah!”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now