20

4.9K 115 15
                                    

Chapter 20

DUMATING ang next week kung saan binigay na ang resulta ng exams

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DUMATING ang next week kung saan binigay na ang resulta ng exams. Hawak ni Je ang walong test papers niya sa walong subject habang nanlalaki ang mata na hindi makapaniwala.

Sumilip si Hanz mula sa likod niya na may parehas na reaksyon din. "Whoaaa. Ang tataas! Nice, Boss Je!"

Nag-apir sila. Hinablot ni Anjo ang isa. "TLE, 38 over 50? Eh madalas tulog lang tayo nito, eh!"

Actually, hindi lang ang score ni Je ang 38. Pati rank niya. Tumaas siya this period ng 5 steps.

Parehas din ang reaksyon ni Lawrence pagkahablot ng isang test paper, nanginig bigla ang pagkakahawak niya sa papel. "S-science, 35 over 50?" Ginulo niya ang ulo ni Je. "Ang galing ni Boss Je!"

Maski siya mismo ay hindi mapaniwalaan ang mga nakikita. Tiningnan niya ang isang taong tumulong sakanya para mangyari ang matataas na scores na 'yun. "Salamat, Wilson. Libre kita sa susunod!"

Pabulong niya lang iyon na sinabi ngunit sadyang malakas ang pandinig ng iba. "Hoy, sama!"

Masaya si Je sa recognition na natatanggap niya pero isa lang ang hindi pa nagre-react para sa achievement na nagawa niya: si Miko.

Pinuntahan niya siya sa isang sulok tapos siniko. "Huy, purihin mo naman ako."

It was just a joke. Je just wants Miko to say something about her results. Pero pabagsak na nilapag ni Miko ang kamay sa lamesa saka umalis. Sinundan ni Je ng tingin ang kaibigan na obvious na hindi alam kung bakit iyon nangyari.

Nagkatinginan sila nina Anjo, "problema nun?" tanong niya.

Je picked up his test papers, puro bagsak. Pero imposibleng tungkol dito ang ikinakabadtrip ni Miko. Wala lang naman sakanya kung bagsak ang scores niya. Never naman na-bother si Miko sa acads niya.

"Ahhhh," sabi ni Anjo pagkatapos ng ilang segundo na parang may isang bagay na kakaalala niya lang. "Break na nga pala sila."

"Break na sila?!" pasigaw na tanong ni Je.

"Inamin na niya ang totoo, eh."

Walang anu-anong tumakbo si Je para habulin si Miko. Nang maabutan niya ito, nagtatangka pala itong lumabas sa likod ng building ng Cabrera para magcutting.

Ito rin ang ginagamit nilang lusutan para pumuslit noon. Kung iisipin ang tagal na pala simula nang huling lumabas siya ng campus sa kalagitnaan ng school hours.

Ginulat ni Je si Miko mula sa likod. "Huli ka!" na hindi naman gumana dahil hindi ito nagulat.

"Huy." Kinalabit siya ni Je sa likod. "Galit ka ba?"

"Hindi."

"Magka-cutting ka?"

"Obvious ba?" Tinanggal ni Miko ang mga materyales na nakaharang na nakatakip sa butas.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now