39

4.5K 114 25
                                    

Chapter 39

“ALAM ninyo bang nagtatrabaho si Je sa isang coffee shop?” Ito ang tanong ni Miko kina Anjo at Lawrence kinabukasan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALAM ninyo bang nagtatrabaho si Je sa isang coffee shop?” Ito ang tanong ni Miko kina Anjo at Lawrence kinabukasan.

“Oo,” simpleng sagot ng dalawa.

“Bakit hindi niyo sinabi sa'kin!”

Nagkatinginan sina Anjo at Lawrence sabay tingin sakanya. “Interesado ka ba?”

Napatigil siya sa sinabi nila. Sapul. Bull's eye.

Sino si Miko para magdemand na sabihin sakanya ang mga pinagkakaabalahan ni Je ngayon? Siya itong nanakit ng kaibigan at masyadong mataas ang pride para umamin ng pagkakamali.

Tila nahalata ng dalawa ang realization hits moment ni Miko kaya pinunan na nila siya ng kwento. Nalaman niya mula sakanila na nag-umpisa lang pala si Je sa Coffee & Muffins nong second sem which is halos dalawang buwan palang ngayon. Madalas daw tumambay ron sina Wilson at Dana.

Parang gusto tuloy sugurin ni Miko si Wilson dahil siya pala itong unang nakaalam pero hindi ibinalita sakanya. Pero babalik siya sa unang tanong niya: sino nga ba siya?
       
         
        
AFTER Je has left for Mrs. Verna's house, Miko wanted to say sorry. Hindi nagtagal, natauhan si Miko para ma-realize na mali ang ginawa niya at masakit ang mga sinabi niya sa kaibigan. But even if he wanted to meet her, palaging umiiwas si Je para kitain siya.

Even in their hangouts, laging may baon na palusot si Je para hindi sumama. That's why sometimes he gives in para hindi na gumawa ng palusot si Je. Siya na lang ang nagpaparaya at hindi sumasama sa gala.

And then one time, Miko decided to go to her school and just corner her once and for all. Hindi siya nabigo na makita si Je doon. Pero nabigo ang puso niya dahil kasama nito si Andrei, lumabas sila sa kotse niya. Mukhang may pinag-uusapan silang seryosong bagay. Tinapik ni Je ang braso niya tapos si Andrei ay yumuko at sinandal ang ulo sa balikat ni Je. Then she tapped his head to comfort him. They're basically hugging.
       
      
Her hair had gotten shorter that day. May clip pa siya sa ulo at maayos na siya maglakad dahil pencil cut skirt ang gamit na uniform. She really looked like a lady, very different from the Je he grew up with.

In the end, hindi na tinuloy ni Miko ang pagkausap sakanya.

In the end, hindi na tinuloy ni Miko ang pagkausap sakanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now