13

5.3K 111 1
                                    

Chapter 13

THE NEXT week came

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THE NEXT week came. Pinost sa bulletin board ang announcement kaya agad na nagkumpulan ang mga estudyante dito. Hindi nagpahuli sina Je, hila-hila niya si Dana sa kamay habang nakikipagsiksikan.

When they were face to face with the paper, Je and Dana jumped up and down. “Dana, nakuha mo! Ikaw si Cinderella!”

Charlotte got the step-sister role instead.

Malawak ang ngiti ni Dana sa pagkakuha ng role pero bumaba ang pagtalon niya nang makita ang isa pa g mahalagang announcement. “At si Wilson ang Prince Charming.
       
      
Malinaw na malinaw ang galit ni Charlotte kay Je dahil sa turn of events. She was fine with it. Natulungan niya si Dana na makuha ang role at may ngayon may chance na sila ni Wilson na maging close.

Binigay na lang ni Charlotte ng basta ang pera sakanya na nakolekta sa fund ng school para pambili ng art materials. “Ikaw nang bumili. Magaling ka, diba?”

“Eh, teka sabi ni Miss Diana sasamahan mo ako. Ikaw ang nakakaalam ng production diba?”

“Nandyan na lahat sa listahan.”

Binuklat ni Je ang papel kung saan nakasulat ang lahat ng bibilhin. Ang dami. Pagkatapos, nakacross arms na umalis si Charlotte.

“Whoa,” sabi ni Anjo matapos masaksihan ang pagtataray ni Charlotte. “Magaling ka pala, Boss Je, eh.”

“Ewan ko sainyo. Samahan niyo na lang ako mamili.”

“Shocks.” Humawak si Anjo sa batok niya. “May date kami ni Aira. Sorry, boss Je.”

“Lawrence?”

“Nako, sorry,” sabi niya sabay ayos ng salamin sa mata. “May lakad kami ni daddy mamaya pagkauwi ko.”

“Wilson?”

“First practice pagkatapos ng klase.” Wilson looked sorry. “Si Miko ba?”

Si Miko na nakaupo pa rin sa upuan niya habang nakapatong ang paa sa katapat, ay walang kaalam-alam dahil focus sa cellphone. Nakangiti at humahagikgik. “Hoy, Miko,” tawag ni Anjo. “Nagpapasama si Boss Je mamili ng props sa play. Pwede ka ba?”

Tumango siya pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa cellphone. “Sige, sige lang!”

 “Sige, sige lang!”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now