51

3.6K 104 21
                                    

Chapter 51

THEY'RE chaos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THEY'RE chaos. Lahat palaban sa uno game. Lahat walang pinalalagpas. Ideya ni Lawrence ang plus card is equal to number of shots pero ayan, siya ang madalas bagsakan ng plus 4.

Kaya sa round 5 pa lang ay hilo na ito.

Je has drunk only three glasses since the first round. Gusto niya ngang maparami ang inom kasi baka makakuha siya ng lakas ng loob para kausapin si Miko. Gusto niyang malasing para mailabas niya ang nararamdaman niya. Pero heto siya, matinong matino pa.

"POTEK!" sigaw ni Lawrence pagkababa ni Miko ng plus 4 card sakanya. "Pinag-iisahan ninyo yata ako, eh!"

Tumawa ang barkada pero hindi ito pinalagpas. Si Anjo ang nag-abot ng shot glass sakanya tapos sabay-sabay na silang nagcheer ng, "shot, shot, shot!"

Sa sumunod na round mukhang si Dana naman ang napag-interesan. "Sa wakas wala na sa'kin ang sumpa!" masayang sigaw ni Lawrence.

Ininom ni Dana ang unang dalawang baso ngunit sa pangatlo ay napansin ni Wilson na nahihirapan na siyang sundan pa. Kaya bilang most gentleman at sweetest boyfriend ever, inagaw niya ito para lagukin.

Pumalakpak sina Anjo. "Ganyan ang totoong magjowa, sweet sa isa't isa. Hindi 'yung..." lumipat ang tingin niya kina Je at Miko. "Nagbabangayan."

Binato siya ni Je ng chips tapos inarapan. Samantalang isang batok ang nakuha niya kay Lawrence. "Tanga nito, hindi pa nga sila, eh!"

Nabura ang ngiti nilang dalawa ni Miko tapos nagkatinginan.

Err... awkward.

"Kailan ba magiging kayo, ah?" Nice, Anjo. Lalo mo pang dagdagan ang awkwardness ni Je. "Mamaya magpropose na si Wilson tapos kayo wala pa rin!"

Namula lalo ang pisngi ni Dana na inumpisahan na ng alak. Kaya ayun, isang sapok na naman ang natanggap ni Anjo mula kay Wilson. "'Wag niyo kami idamay."

Hindi nakasagot si Je. Usually kapag siya ang tampulan ng asar ay kayang kaya niyang lumaban at sumagot. Ngunit sa gabing ito hindi siya maka-rebut kay Anjo.

Napansin ni Miko na nailang siya sa topic kaya inakbayan siya nito pabiro. "Uy! 'Wag ninyo ngang pine-pressure si Je! Mamaya magbago isip nito!"

Nagmove on ang topic nila. Laking pasasalamat na lang ni Je dahil wala na sakanya ang spotlight. Dapat naman talaga hindi sakanya dahil ang gabing ito ay para sa mga kaibigan nilang ga-graduate at hindi sila ni Miko 'yon.

Nang kalaunang magsawa sa paglalaro ay nagtugtugan na lang ang barkada.

Nang kalaunang magsawa sa paglalaro ay nagtugtugan na lang ang barkada

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now