4

8.1K 146 2
                                    

Chapter 4

MASIGLANG ibinalita ni Je sa mama niya ang choice of school niya sa college nang magskype sila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


MASIGLANG ibinalita ni Je sa mama niya ang choice of school niya sa college nang magskype sila.

“South Mill University po, Ma!”

Pero hindi siya nasiyahan. “Ayaw mo ba talaga sa MAPUA?”

“Ma, maganda rin sa SMU.” Inisa-isa ni Je ang magagandang bagay sa SMU na diniscuss nila Andrei. “Maraming notable alumni ang nanggaling dun.”

“Pero ang archi—”

“Ma, trust me. Maganda dun!”

Her mom sighed. Wala namang magagawa ang mama niya kahit ipilit pa ang MAPUA. Hindi naman siya ang mag-eenroll sa anak sa college kundi si Je mismo.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto at bigla na lang sumulpot si Miko sa likod niya. “Hi, Tita Anna!”

“Hi, Miko,” bati rin nito sabay tingin sa likuran nilang dalawa na parang may hinahanap. “Dalawa lang ba kayo diyan sa kwarto?”

“Ay, Tita. Hindi po ako interesado sa anak ninyo. Mas macho pa sa'kin 'to, eh.” Pinalo siya ni Je. “Aray!”

“Sige po, Ma. Ibababa ko na po. Malapit na nga pala maubos internet namin. Bye!”
      
     
When she closed the laptop, she looked at him like she's throwing daggers. “Epal ka talaga!”

“Bakit totoo naman, ah?”

“Wala akong pake kung totoo ‘yun. Pero sana hindi mo sinabi kay Mama! For sure pagtapos nito, pagagalitan niya na naman si Papa kesyo hindi ako umaastang babae? Sasabihin niya na naman kung gaano ka-incompetent ang tatay ko sa pagpapalaki ng anak dahil naadapt ko ang galawan sa construction site. Hays, Miko.”

Napakamot siya sa batok. “Ay, sorry. Kaya pala may clip ka sa ulo.”

Tinanggal ni Je ang suot na pink hairclip. Sinusuot niya lang ‘yun kapag kausap ang Mama niya.

Binagsak ni Miko ang sarili sa kama niya. “Bakit kasi kilos construction worker ka.”

She threw him a pillow.

“Joke lang! Ganda nga nun, eh. Maangas.”
     
      
The next minute, Miko was roaming around her room habang siya ay bumalik sa laptop para maglaro ng offline games. Once in a while, naglilinis si Je ng kwarto niya dahil pinapa-check ng Mama niya kung malinis ba. Kapag magkausap sila sa laptop, ipapaikot ng mama niya ang camera sa buong kwarto para icheck.

May trust issues pa ito minsan dahil hindi lang siya basta naniniwala kapag sinabi ni Je na oo. Gusto pa talaga nakikita sa camera.

Minsan kasi dinadaya lang ni Je ang paglilinis. Tinatambak niya lang ang mga damit niya sa sulok na hindi mahahagip ng camera para mukhang malinis ang gitna.

Pero ngayong araw, talagang malinis ang buong kwarto niya.

“Pangarap mo talagang puntahan ‘to, ‘no?” turo ni Miko sa mga litrato ng Mama niya na nakadikit sa salamin.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now