50

4.5K 105 16
                                    

Chapter 50

3 years later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

3 years later.
     
     
"'YUN na 'yon?!" ika ni Dana na kahit ilang taon nang nakalipas ay namamangha pa rin si Je sa pagkakilig nito sa tambalan nilang dalawa ni Miko. "Bakit hindi mo pa siya sinagot no'n??"

Bumuntong hininga si Je sa hindi na niya nabilang kung pang-ilan na simula nang ikwento niya sa kaibigan ang nangyari nung araw na 'yon. Buntong hininga na lang talaga ang magagawa mo kung hindi mo alam ang isasagot.

Iyon din kasi ang tanong niya sa sarili—bakit hindi pa?

"That was three years ago! May gano'ng sweet moment na palang nangyari sainyo pero hindi pa rin kayo??"

"Hindi ko alam." Ang tanging nasabi ni Je.

Tama. Halos tatlong taon na ang nakalipas simula nun at magsisipagtapos na sina Dana at Wilson sa college pero hindi pa rin humihigit sa 'higit na kaibigan' ang estado nilang dalawa ni Miko.

Ang totoo, hindi na rin niya namalayan na ganun katagal na ang lumipas. Basically, tatlong taon nang nanliligaw si Miko sakanya. He's not questioning her decisions, though. Hindi siya namimilit o nagpaparinig. At higit sa lahat, hindi siya napapagod.

"May gumugulo ba sa isip mo?" tanong pa ni Dana na isang kibit-balikat lang ang sagot niya.

Inabot nito ang kamay niya at hinimas. Malamang nahalata nito na hindi 'wala lang' ang tumatakbo sa isip ni Je. "Kausapin mo siya. Sabihin mo kung anong gumugulo sa isip mo. Alam kong maiintindihan ni Miko at alam kong gusto niya rin maintindihan."

"No," she shook her head stubbornly. "Dapat mag-enjoy lang tayo sa susunod na tatlong araw. Walang panahon sa mga ganito."

"'Yun na nga, eh! We'll be out of town for the next three days! Mas makakapag-usap kayo!"

Sabagay pero...

"Consider this as an opportunity, okay?" she said those words while looking straight in her eyes. "Kilala kita. Alam kong hindi 'wala lang' ang dahilan niyan."

Dana smiled comfortingly for the last time before standing up to gather her bags for the trip.
         
         
        
Well, this is the summer of their fourth year in college and the first couple in their group will finally graduate out of SMU. Ideya talaga ito ni Anjo dahil gusto niyang magkaron ng dahilan para mag-leave sa trabaho. Si Lawrence naman ang nagsuggest ng resort sa La Union dahil pagmamay-ari ito ng tiyahin niya samantalang si Miko ang may sagot ng service na van papunta rito.

"Bilisan na natin, parating na sila."

Magkasama sila sa bahay ni Dana ngayon dahil nagpatulong ito sakanya mamili ng mga damit na dadalhin sa Elyu. Hindi nga alam ni Je bakit kailangan niya pa ng tulong eh kahit kailan hindi naman nakitaan ni Je si Dana na nagsuot ng pangit o hindi bagay na damit.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now