SPECIAL CHAPTER

4.9K 128 63
                                    

SPECIAL CHAPTER

NAGMAMADALING sinalansan ni Dana ang mga gamit sa lamesa niya at ang iba ay nilagay niya sa bag niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAGMAMADALING sinalansan ni Dana ang mga gamit sa lamesa niya at ang iba ay nilagay niya sa bag niya. Iilan na lang sila na natira rito sa opisina na kinailangang mag-over time para tapusin ang trabahong malapit na ang deadline kaya tahimik na ang paligid at madilim sa ilang stations dahil na nakapatay na ang ilaw.

Pagkatapos, madali siyang nagpaalam sa mga katrabaho at tumakbo palabas papuntang elevator. Habang hinihintay ang elevator car, kinukuyakoy ni Dana ang sapatos sa tiles na sahig at tumutunog ito sa buong hallway. Senyales na hindi siya makapaghintay na makababa.

Nang dumating ang elevator sa 8th floor, madali siyang sumakay hanggang pababa sa lobby at doon nadatnan niya ang taong naghihintay sa couch sa lobby na nakatulog na.

Nginitian siya ng lady guard sa desk at sinabing nakatulog na ito sa kahihintay.

Na-guilty naman si Dana. Sa lahat kasi ng araw na pwede siyang pag-OT-hin ng boss ay ngayon pa talaga kung kailan may lakad sila.

Umupo siya sa tabi ng asawa at marahang tinapik ang braso nito. “Love.”

She noticed that he's still wearing his suit pero nakahubad na ang coat samantalang ang kurbata ay maluwag na rin ang buhol. This attorney sure knows how to look hot.

Dumilat si Wilson at umupo ng ayos. “Tapos ka na?”

Tumango siya. “Sorry, kanina ka pa ba naghihintay?”

Her husband shook his head implying it's nothing. “Let's go.”

They stood up holding hands hanggang papunta sa parking kung nasaan ang kotse. “Sorry, kailangan mo pa tuloy magdrive kahit pagod ka.”

Inabot muli ni Wilson ang kamay niya at hinimas. “Huwag kang ngang magsorry nang magsorry. Gusto kong sinusundo ka.”

Dana leaned over to give him a kiss. “Love you.”

“Love you, too.”

They drove away. Habang nagmamaneho ay kinuwento ni Dana ang nangyari sa araw niya at bakit kinailangan niyang mag-OT. Then their topic diverted to where they're going right now.

“Kung umuwi na lang kaya tayo?” suhestiyon ni Wilson.

Tumawa si Dana at pinalo siya ng mahina. “Inaasahan nila tayo dun at saka, alam mo namang kapalit ng pagpunta natin ang pagbabysit ni Anjo kay Dani.”

She heard him groaned.
          
         
After three years of being married, they have a daughter now named Dani. Dahil dalawa silang nagtatrabaho ni Wilson, ang Mama niya ang nagbabantay sa anak nila. Ngunit para lang hindi tumanggi ang dalawa sa pagsama ngayong gabi, nagvolunteer si Anjo na aalagaan ang anak nila ngayong araw para pagpahingahin ang Mama ni Dana.

“Saan ulit gaganapin?”

Hinahanda niya ang waze sa cellphone para ituro ang direksyon. “Dito. Sa resto ni Hazel sa Quirino.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now