47

4.4K 112 22
                                    

Chapter 47

AYAW ni Je na isipin ni Miko na masyado siyang naghanda kapag nagbestida siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

AYAW ni Je na isipin ni Miko na masyado siyang naghanda kapag nagbestida siya. So she just wore one of her big tees, tucked it into a high-waisted jeans, plus sneakers. ‘Yung usual at nakasanayan na Je noon.

Miko came surprising her from behind. Sa gulat, inambaan siya ni Je ng suntok. Sinalag ni Miko ang braso sa mukha habang tumatawa. “Kape pa. Kaya ka nerbyosa, eh.”

Inirapan niya ito. “Ang tagal mo, ah!”

Sampung minuto naghintay si Je sa kinatatayuan niya.

“Hindi ako agad pinaalis ni Mama, eh. Pinipilit ako na doon na lang daw tayo sa bahay. Ayoko nga.”

“So anong gagawin natin ngayon?”

“Maangas ‘yung banda. Tara!”

Hinila siya ni Miko sa kamay pasingit sa mga tao hanggang sa makaabot sila sa harap, sa tapat ng nakaharang na railings. They listened to the band playing songs of other popular bands. Pero biglang nagkatulakan dahil may mga makukulit na high school students ang nag-umpisa sa likod.

Bumangga si Je kay Miko. Ang ginawa nito para hindi siya matamaan ay hinila niya si Je papunta sa harap niya—sa pagitan niya at ng railings tapos humawak siya dito kaya nagmukhang nakakulong si Je sa loob.

“Ang kukulit ng mga bata,” dinig niyang bulong ni Miko.

“Ganyan din tayo dati,” sagot ni Je na siyang tinawanan nila.

Kung tutuusin hanggang ngayon gano‘n pa rin sila kakulit.

Sino ba sila para isiping nagmature na sila pagkagraduate ng highschool? Talaga bang inisip ni Je na wala nang kabataan sa loob nila ni Miko pagkatapos no‘n?

It's never gone.

She could feel Miko on her back sometimes stooping his head down to smell her hair. Dalawang beses pa siyang nagshampoo ngayong araw para siguradong mangangamoy ang strawberry sa ulo niya.

Okay, hindi nagpapa-impress si Je. Alam niya lang talagang hilig suminghot ni Miko ng ibabaw ng ulo. Wala namang ibig sabihin kung paghandaan niya ‘yun diba?

Every after Miko sniffed her hair, she could feel him smiling. Then he whispered, “Kulang ‘yung sinabi mo sa mga bagay na hindi nagbago sa‘yo.”

With forehead creased, she turned to look up at him. “Ha?”

It's a mistake. Sobrang lapit ni Miko sakanya to the point na kayang tumama ng dulo ng ilong niya sa baba niya.

She already noticed the beard growing from it before pero mas nakikita niya kapag ganito kalapit ang stubble mula ron.

She wondered if he just shaved it earlier before going here. Anong klaseng paghahanda kaya ang ginawa ni Miko para sa..... wait, this isn't a date, right? It's not a date..... right?

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now