7

5.9K 113 2
                                    

Chapter 7

SA SOBRANG kadesidido ni Je na makapasok sa SMU, nagsearch pa siya ng blog sa internet para kumuha ng tips kung paano makapasa sa South Mill University Admission Test

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SA SOBRANG kadesidido ni Je na makapasok sa SMU, nagsearch pa siya ng blog sa internet para kumuha ng tips kung paano makapasa sa South Mill University Admission Test.

Someone said that SMUAT wasn't really easy at hindi lang sila nakatingin sa score ng exam dahil pati Transcript of Records sa highschool ay sinasala rin nila. Lalo na sa 4th year grades.

Dahil do‘n, binuksan ni Je ang drawer ng lamesa niya para kuhain ang kanyang report card.

“Shit.”

“Anak?”

Tinago ni Je ang card nang kumatok ang Papa niya. “Po, Pa?”

He opened the door and peep his head inside. He's still wearing his site helmet. “Wala, chineck lang kita. Nag-aaral ka ba?”

“Opo,” pagsisinungaling niya pero kokopya lang talaga siya ng assignment kay Wilson.

Lumabas na ulit ang Papa niya para hayaan siyang mag-aral kuno. Bumalik si Je sa card niya na may 78 at 79 sa Physics. “Patay. Ito palang bad impression na.”

Kinagat ni Je ang daliri habang nakatitig sa laptop. She clicked on the website but it lagged then error.

“Ha?” she clicked again. “Ay, shet.”

Ubos na ang internet. Inimpake ni Je ang mga notebook at report card niya sa bag, sinakbit ito sa likod at mabilis na tumakbo para kunin ang bike. Nagbisekleta siya papunta sa taong alam niyang makakatulong sakanya.
     
     
“WILSON! WILSOOOOON.”

He happens to be taking a nap when she came. “Ang ingay mo, Je. Bakit ba?”

“Papasok, ah?”

Nilapag ni Je ang bag niya sa kwarto ni Wilson tapos mabilis na pinaliwanag ang suliraning pinagdadaanan. “Line of 8 naman lahat ng grades ko. Pahamak lang ‘yong Physics. Kapag mas bumaba pa ‘yun, baka maligwak ako.”

“Alam ko.”

“Ha?”

“SMU din ang top pick ko.”

Her face brightened up. “Talaga??”

Alam na ni Wilson ang ibig sabihin ng ngiting 'yun kaya tinulak niya siya sa noo para patayin ang pag-asa niya. “Mahigpit ang proctor sa mga university. Hindi ka makakakopya.”

She pouted.

But then Wilson sighed deeply as if giving up. “Sige na nga. Gagawan kita ng reviewer. Sa tingin ko, pwede ka pa ring makapasok sa SMU kahit may line of 7 ka basta 75% ang score mo.”

“75 percent?!” Ang gusto niya sana kahit makakalahati lang.

“Yep. Sa January pa naman ang entrance exam. Makakapag review ka pa. Tapos ang result ilalabas sa March.”

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now