22

4.5K 110 8
                                    

Chapter 22

Chapter 22

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“SHIT.”

Ito ang unang naisip ni Je pagkagising niya kinabukasan. Hindi dahil pinatulog niya si Miko sa kwarto niya at hindi dahil sa may panis na laway siyang nakita sa unan na ginamit ni Miko.

Kundi dahil sa mga text na nabasa niya sa cellphone niya. There were ten of them and all came from Vina and the other guys from her team.

Hindi masalubong ni Je ang mata ni Miss Diana during English class. Matinding guilt ang nararamdaman niya para sa tiwalang nabali niya at sa mga taong nakaasa sakanya katulad nina Vina.

Nang tipunin sila ng guro sa audi pagkatapos ng klase, pinagalitan si Je katulad ng inaasahan.

“Umalis ka raw kagabi at iniwan ang team?”

Naka-tindig si Miss Diana sa harap niya habang nakahulikipkip ang braso. Ang masama pa ay nandoon ang lahat—pati ang mga aktor.

“Sorry po, ma'am,” nakayukong sagot ni Je. “Tatapusin ko na po ngayon ang props. Promise.”

Miss Diana sighed. “I thought you're the best fit for the job that's why I gave it to you. Akala ko magiging responsable ka. Ang nakakadisappoint pa, you gave me your word na matatapos ninyo ‘to kahapon.”

Charlotte, on the side, shook her head with such satisfaction on her face.

Muli, ang nasabi lang ni Je ay: “Sorry po.”

“Naghintay ang team mo dahil sabi mo babalik ka pero hindi ka na bumalik.”

Mas lalong napayuko si Je dahil nahihiya rin siya kina Vina. Nagsorry siya agad bago sila pumasok sa audi kanina, sabi ni Vina ayos lang daw. Nagpaalam naman daw siya na emergency ang pupuntahan, sana lang nagtext si Je na hindi na siya makakabalik sa audi.

Ang totoo, nakalimutan na niyang bumalik sa audi dahil sa pagod at antok. Na-guilty siya bigla dahil nakapagpahinga siya ng maaga habang ang team niya ay nagtatrabaho.

Miss Diana took a step backward then clapper her hands once just like how she always did whenever she's going to start a new topic. “Anyway, let's start now para madali tayong matapos. Back to work.”

Nang pabalikin na sila sa mga work stations nila, nilapitan muna ni Wilson si Je. “Absent si Miko kanina. May nangyari ba?”

“Baka may hangover.”

Paggising ni Je, wala na si Miko sa tabi niya. Inisip niya baka umuwi na ito sa bahay nila bago magliwanag. Bawal din kasi siya abutan doon ng papa ni Je kaya siguro umalis siya pagkatapos umalis ni Engr. Jer papuntang trabaho.

There were no texts from him, no notes too. Basta lang sumibat ang ugok.

Walang narinig na sermunan sa kabilang bahay si Je kaya sa palagay niya hindi siya napagalitan. Buti pa si Miko nakaligtas sa sermon.

More Than This (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon