40

4.2K 90 10
                                    

Chapter 40

THREE days after Wilson and Dana's past curfew night, she intentionally avoids him

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

THREE days after Wilson and Dana's past curfew night, she intentionally avoids him. Hindi niya kasi siya kayang harapin. Pakiramdam ni Dana siya ang nag-initiate ng halik na 'yun. Kung hindi niya hinawakan ang labi ni Wilson, hindi siya lalapit para humalik.

She's blaming herself for it ever since. The kiss was wonderful at sobrang nakakakilig pero hindi magawang sumaya ni Dana thinking that it meant nothing to Wilson.


Saturday, nakatoka si Dana sa paglalaba ng damit nila ng mga roommates niya. Bitbit niya ang mga labahan nila papuntang laundry shop.

She didn't bother to fix herself. She's just wearing a plain shirt na may butas pa sa laylayan, short na pambahay at tsinelas. Tinali na lang niya ng basta ang buhok niya, wala nang suklay-suklay, wala nang makeup-makeup.

Pero tama nga yata 'yong kasabihan ni Je na kung kailan haggard ka, saka mo masasalubong ang crush mo.

Dana was already walking out of the laundry shop and was carrying the basket with the cleaned clothes when she saw Wilson. Napatigil si Dana at napasinghap. Agad siyang napatingin sa sarili at pakiramdam niya gusto niyang magpalamon sa lupa dahil sa hitsura niya.

She put the loose strands of her hair behind her ears. "Wi-wilson."

Walang anu-ano, kinuha ni Wilson ang basket mula sakanya at hinila siya sa kamay paupo sa waiting bench sa laundry shop. Umupo siya sa tabi ni Wilson pero naglagay siya ng ilang pulgadang pagitan.

Her heart's racing with the fact that Wilson's sitting just a few inches away from her.

She need to distract herself so she said, "Nakita nga raw pala ni Je si Miko sa café nung nakaraan pero iniwasan niya kaya wala silang interaction."

Hindi sumagot si Wilson so it gave her an impression that he already knew it.

"Anong tingin mo-"

"Stop talking about other people," he interrupted. "Let's talk about us."

Nagulat si Dana dahil hindi naman pushy si Wilson maliban ngayon.

"Iniiwasan mo ako." Hindi 'yon tanong.

"Hmm." Kumamot si Dana sa ulo niya. "Medyo."

"Three full days. Hindi 'yun medyo."

"Edi, oo," pag-amin niya.

Tiningnan siya ni Wilson. "Bakit?" when she didn't answer, he continued, "Is it because of the kiss?"

Tumango siya. "Kasalanan ko 'yun, eh. Parang inakit kita kasi hinawakan ko ang labi mo. Kalimutan mo na 'yun. Isipin mo na lang lasing ako."

She said those words fast as much as possible. She made it sound na parang hindi siya bothered dito pero ang totoo ay halos tatlong gabi siyang hindi nakatulog sa kakaisip.

Pagkatapos niyang magpaliwanag, biglang tumawa si Wilson. Hindi tuloy alam ni Dana kung para saan ang pagtawa niya.

"Inisip mo 'yun?"

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now