38

4.2K 92 4
                                    

Chapter 38

PUMUNTA ulit si Dana sa Coffee and Muffins nang sumunod na araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PUMUNTA ulit si Dana sa Coffee and Muffins nang sumunod na araw. Pero ngayon ay nandon na si Je sa counter naka-duty. She's wearing that brown polo shirt with apron on. Habang pina-punch niya ang order ni Dana, tinanong niya ito. “Anong oras ka na nakauwi?”

Napaangat agad ang ulo ni Dana habang nanlalaki ang mata. “H-ha?”

“Narinig ko sa katrabaho ko sa GY, nakita raw nila kayo ni Wilson dito dis oras ng gabi. Ano nangyari?”

Kinuwento lang ni Dana ang nangyari mula sa inuman hanggang sa mapagsarhan sila ng dorm. Pero sa buong pagkukuwento niya ay hindi siya makatingin kay Je.

Kukunin na sana ni Dana ang kape na nilapag ni Je sa counter pero hindi bumitaw ang kamay niya rito. “Ako na Dana, gusto ko ihatid sa lamesa mo.”

She already got what she means. So they walked to her table which Je sat in front. Dana wanted to thank God that Je volunteered to sit with her. Gusto niya ng makakausap at hindi niya alam kung paano siya yayayain.

Nagpapalit muna ng tao sa counter si Je para maupo sa table niya. “Ano talagang nangyari?”

“Dito ako dinala ni Wilson around 10:30 pm kagabi dahil sarado na ang dorm. As usual, uminom ng kape tapos nagkwentuhan. Then. . .”

“Then?”

“Hinalikan niya ako.”

Muntik nang mapasinghap si Je. Inasar niya pa ang kaibigan na iparereview niya ‘yong CCTV sa anggulo nila para makita niya.

“Jersey, ‘wag mo na akong asarin!” aniya. She looked sleepless today.

5 am nagbubukas ang dorm kaya alas singko na sila umalis dito kanina para umuwi. Naligo lang siya ng mabilisan tapos lumabas din para sa klase ng alas-otso.

“Teka, ikaw ba?” pasa nito kay Je. “May nahalikan ka na?”
        
         
NAPATIGIL si Je sa panunukso sa kaibigan. Bakit naman biglang ipapasok ni Dana ang ganong tanong? Pilit nang kinakalimutan ni Je ang alaalang ‘yun.

Pero sino siya para pigilan ang utak niyang kusang magreminisce sa bubong na ‘yon, sa lamig ng Disyembre at sa ilalim ng mga bituin? Wala, hindi niya napigilan. Maski pakiramdam ng labi ni Miko bumabalik sakanya.

“W-wala, ah.”

Pero nahuli na siya ni Dana. Kitang-kita sa mukha niya. “Hay, nako Jersey. Konti na lang talaga magtatampo na ako sa‘yo! Hindi ka na nagkukuwento sa‘kin!”

“Wala naman akong ikukwento kasi.”

“‘Yung sainyo ni Miko?”

Bakit kasi hindi pa rin mabitawan ni Dana ang ideya ng Miko at Jersey sa utak niya? Matagal nang laos ‘yon kay Je. Hindi na hihigit pa ang pagkakaibigan nila. Ay, teka. . . magkaibigan pa ba sila?

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now