46

4.3K 90 9
                                    

Chapter 46

PININDOT ni Je ang doorbell sa tabi ng gate

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


PININDOT ni Je ang doorbell sa tabi ng gate. Parang nanginginig ang daliri niya habang dinidikit ito sa pindutan na animo'y isang bomba ang pasasabugin niya pagtunog nito.

Napansin ni Miko ang kawirduhan niya kaya kinalabit niya siya, "huy."

Muntik namang tumalon ang puso ni Je sa reaksyon niya. "Ay, kabayo!"

"Bakit ganyan ka kumilos?" magkasalubong na kilay niyang tanong. "Para tayong manloloob ng bahay. Sigurado ka bang ito bahay ng lola mo?"

"Saan ka nakakita ng magnanakaw na magdodoorbell sa gate?" sagot ni Je. "'Wag ka na lang maingay!"

Saktong nagbukas ang gate at sinalubong silang dalawa ni Lola Verna. Her eyebrows are creased seeing her granddaughter brought a guy home. Ngunit kumalma rin ito nang makilala niya si Miko pero alam ni Je na hindi ibig sabihin nun ay sang-ayon siya sa plano nila ngayong gabi.

"La." Nagmano siya. "Si Miko po, kababata ko."

Tumango si Mrs. Verna na siyang binati ni Miko ng magandang gabi. Pinaliwanag agad ni Je ang sitwasyon nila. Tiningnan pa muna ni Mrs. Verna si Miko na parang chine-check niya kung masamang tao ba ito. Kulang na lang ay kapkapan din kung may dalang patalim o armas.

Wala nga siyang dalang pitaka o cellphone, kutsilyo pa kaya?

"Okay na po ako sa sala, ma'am," agad na sambit ni Miko pagkatapos ng kwento ni Je.

The former principal's gaze went back to his face. "Call me lola too. Retire na ako bilang principal ng Manuela."

Tumango si Miko. "O-okay po, Lola."


Pagpasok sa bahay, dumiretso si Je sa taas para kumuha ng extrang unan at kumot. Si Lola Verna naman ay may ginawa sa kusina, sa palagay ni Je ay nagtimpla ng gatas.

Samantalang si Miko ay naiwang nakaupo sa sala.

Pagkababa ni Je, nagtanong ang lola niya saktong paglabas nito ng kusina. "Saan ka ulit nanggaling, 'nak?"

"Sa.... sa Christmas Gig ho sa Bay Square, 'La."

"'Yung sabi mong manliligaw mo na tumutugtog doon?"

Je took a side glance at Miko. Bakit pa kailangang banggitin ng Lola niya 'yon? "O-opo."

Pagkabalik ni Lola Verna sa sala, tinanong niya naman ang iba pang nanliligaw kay Je. "Si Gerry ba 'yun? 'Yung med student? Tapos may business at educ student pa? Wala ka bang tipo sa mga 'yon? I-date mo kaya si Gerry?"

Wow, 'La, ala-una ng madaling araw bakit ngayon mo pa naisipan isa-isahin ang mga manliligaw ko?

Tumawa si Je ng bahagya tapos inalalayan sa likod ang lola. "'La, hindi pa po kayo matutulog? Madaling araw na po, oh."

Her grandma took a look first at Miko who's still sitting straight at the sofa. "Sige, umakyat ka na rin, ha? At saka tawagan mo pala muna ang Mama mo. Hapon doon kaya gising 'yun."

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now