5

7.2K 146 3
                                    

Chapter 5

TITA LAURA didn't have a chance to have a daughter so she really takes care of Je

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TITA LAURA didn't have a chance to have a daughter so she really takes care of Je. Simula ng umalis ang Mama niya papuntang Europe, hindi na tumigil si Tita Laura sa pag-aalaga kay Je.

Bukod kasi sa may contact sila ng mama ni Je, gusto niya rin itong gawin dahil parang anak na niya ito. Kasalukuyang nasa kwarto si Je at nakahilata habang si Tita Laura ay bumisita para tupiin ang mga damit niya galing sampayan.

“How I really wish na may anak akong babae,” sabi ni Tita.

“Tita, hindi niyo ako gugustuhin na maging anak. Kasing pasaway ko rin si Miko, eh.”

“‘Di hamak na mas pipiliin kita kaysa kay Miko!” biro niya.

Tumawa sila. “Nastress po ba kayo sa pagpapalaki ng tatlong anak na lalaki?”

She sighed. “Sinabi mo pa—mga pasaway! Tapos ito pang tito mo, hilig kunsintihin ‘yang sina Miko. Kaya hindi tumatanda, eh.”

Sa cabinet ni Je, napatigil si Tita Laura nang makita ang mga bestida niyang nakahanger doon. “Aba, Jersey, ito ba ‘yong mga padala ni Annabelle? Hindi ko pa nakikitang suot mo ‘to.”

She wrinkled her nose. “Wala po akong paggagamitan.”

Karamihan sa mga damit ni Je sa drawer niya ay mga malalaking T-shirt na may kapartner na mga basketball shorts. Pero sa kada padala ng mama niya, laging may mga bestida at sandals sa kahon para sakanya pero wala naman dito ang sinusuot niya.

Nakakalakihan na niya tuloy ang iba na hindi man lang nagagamit. Balak na lang ni Je na i-bargain ang mga ‘yon kapag nangailangan siya ng pera.

“Dapat suotin mo ‘to!” Kinuha ni Tita Laura ang isang dress na color peach at tinapat kay Je. She turned on her stomach para iwasan. “Ayaw ko po!”

“Maganda ‘to bagay sa‘yo!”

Je kept on wincing pero mapilit si Tita Laura. “Alam mo ba, china-chat ako ng mama mo at tinatanong kung sinusuot mo raw ba ang mga padala niya. Hays, magko-kolehiyo ka na, dapat maggala kayo ni Miko tapos suotin mo 'to.”

“Saan naman po kami pupunta?”

“Uutusan ko siyang maggrocery.”

Dumapa ulit siya sa kama. “Tita naman, eh. Katamad kaya.”

“Sige na, 'nak. Pipicturan kita, send ko sa Mama mo.”

She groaned.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now