41

4K 90 15
                                    

Chapter 41

MAGKASABAY na pumunta sina Dana at Jersey sa meeting place ng tropa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

MAGKASABAY na pumunta sina Dana at Jersey sa meeting place ng tropa. It's an open place food park located basically at the heart of university cities. So you can find students from random colleges here.

Maraming food stalls na nakapalibot, you can roam around until you choose your food. May gig pa na live tugtugan at beer at cocktail.

Jersey wore one of her dresses and a simple sandals, pati maliit na sling bag. Habang ang buhok niya ay nakalugay lang sa likod.

Hinihila siya ni Dana sa kamay papunta kung saan naka-lamesa ang boys. Gano'n ba ka-excited 'to si Dana na makita ang boyfriend niya? Parang kaninang umaga lang ang huli nilang pagkikita.

Hay, ang mga in love talaga.

"Yow, boss Je!" Nasa baba palang sina Je nang marinig ang boses ni Lawrence. Kumakaway sila ni Anjo pagtingala niya kung saan sila nakaupo at nanlaki na lang ang mata ni Je dahil hindi lang sila tatlo ron sa taas. Kasama nila si Wilson at si. . .

Lawrence beckoned them. "Akyat na kayo dali!"

Tiningnan agad ni Je si Dana. "Bakit nandito si Miko?"

"Sabi ko kasama tropa diba?"

"Pero hindi mo siya binanggit!"

She giggled. "Ay, hindi ba?"

Oh, great.

Malakas ang kutob ni Je na sinadya ito ni Dana.

Balak niya sanang tumakas ngunit wala na siyang kawala dahil sinundo sila ni Lawrence sa baba para paakyatin kung nasaan ang lamesa nila. Sa buong oras na naglalakad sila papalapit sa table, nakatitig sakanya ni Miko.

Biglang na-conscious si Je sa hitsura niya. Simula nang magcollege ay nagsuot na siya ng bestida at sandals, naging karaniwan niya na itong damitan pero bakit ngayon ay bigla siyang nailang sa sariling suot?

Je sat in between of Dana and Lawrence but she's aware that Miko's eyes are still on her. Um-order sila ng mga pagkain at beer. Nagkwentuhan at binati ang new couple sa tropa. Nagcheers dahil matatapos na ang year bilang freshman.

"Dapat gawin nating regular 'to hangga't hindi pa tayo busy, eh!" kumento ni Anjo. "Kapag nagpracticum na tayo tapos grumaduate na, mas lalo tayong mawawalan ng oras."

"Oo nga," sang-ayon ni Lawrence. "Ay, teka. Hindi pala tayo sabay-sabay gagraduate."

Tumingin ang lahat kina Je at Miko. Sila lang sa tropa ang nagtake ng course na limang taon. Sabi ni Miko, "Malay niyo naman magrepeat si Anjo. Edi hindi kami maiiwan ni Je."

Tumigil ang mata ni Miko sakanya tapos ngumiti. Bakit ganun siya ngumiti? Bakit ang komportable niya? Umiwas agad si Je ng tingin.

As usual, nakasipat na naman ng magandang babae si Anjo at ang nakita niyang biktima ay 'yong bokalista na tumutugtog. Pwede magrequest ng kanta kaya nagsulat si Anjo sa tissue ng song na gusto niya tapos sa gilid may cellphone number niyang nakasulat.

More Than This (Wattys2019 Winner)Where stories live. Discover now